Nasa kusina si Clover at kasalukuyang umiinom ng tubig ng biglang dumaan ang ina niya sa kaniyang likuran.
"Sa 'yo na muna itong cellphone, anak. Hindi ko naman masyadong ginagamit. Maiwan na kita, baka ma-late na naman ako." Nilapag nito ang hawak na cellphone sa lamesa.
Matapos ang araw na matapon niya ang kaniyang cellphone ay sobrang nagsisi siya. Ngayon tuloy ay nahihirapan siya at kailangan pang humiram sa kaniyang ina. Marami na rin kasi silang pinagsamahan ng cellphone na iyon, iyon lang kasi ang tumagal sa kaniyang malilikot na kamay kaya halos maiyak siya ng ma-realize niya ang ginawa.
"Maraming salamat ma. Mag-ingat po kayo," sabi niya sabay beso rito. Ginantihan din naman agad siya nito ng isang halik sa noo.
Nang makaalis ito ay kinuha niya ang cellphone at pumunta sa kaniyang kwarto. Ngayon nalang siya ulit makakapag-open mgkaniyang Facebook account simula no'ng araw na nag-chat sila ni Christian, kung saan dalawang araw na ang nakalipas.
Nag-open siya ng kaniyang Facebook account, as usual, may mga chat na naman galing kay Christian. Nakita niyang online rin ito. Hindi niya na ibala pang basahin ang mga iyon, maliban sa sobrang dami nito sawa na kasi siya ang mga mata niyang magbasa ng sorry.
Christian Tupaz: Mahal?
Clover Clynn Delgado: Oh?
Christian Tupaz: Hindi mo pa rin ba 'ko napapatawad?
Clover Clynn Delgado: Kung gano'n lang naman kadali magpatawad de, sana hindi na 'ko nahihirapan ng ganito.
Christian Tupaz: Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, mahal e.
Clover Clynn Delgado: Kung una palang sinabi mo na, hindi sana ganito. Hindi na sana tayo nahihirapan ngayon.
Christian Tupaz: Natakot lang ako, okay?
Clover Clynn Delgado: Natakot na ano? Natakot saan?
Christian Tupaz: Natakot ako na baka kapag sinabi ko sa 'yo at nalaman mo na ang totoo, hindi mo na 'ko hahayaang makapasok sa buhay mo.
Clover Clynn Delgado: Kahit na! You should have told me! Kailan mo pa balak sasabin sa 'kin? Kapag kasal na kayo?
Christian Tupaz: Huwahg mo nga siyang ipilit sa 'kin! Hindi nga ako magpapakasal sa kaniya!
Clover Clynn Delgado: Gano'n lang kadali 'yon? Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ni Isabelle?!
Christian Tupaz: Kamuhian niya man ako, wala akong pakialam! Hindi ko hahayaang mawala ka sa buhay ko.
Clover Clynn Delgado: Pero ikaw ang gumawa ng rason para mawala ako sa buhay mo, Chris!
Clover Clynn Delgado: Hindi mo man lang ba naisip ang pamilya mo? Kung anong mararamdaman nila?!
|Clover Clynn is typing...|
Christian Tupaz: Wala akong pakialam sa kanila. Sila ang may gusto nito, hindi ako. Nagising na lang akong engaged na kay Isabelle, hindi man lang ba nila ako inisip o kung anong mararamdaman ko? Tapos gusto mong isipin ko sila?
Christian Tupaz: Magpapakasal ako sa taong mahal ko, hindi sa taong pinilit lang sa 'kin.
|seen 07:24|
Christian Tupaz: Bigyan mo ako ng pagkakataong itama lahat ng ito. Hayaan mo akong ibalik ang dating tayo. Please?
Clover Clynn Delgado: Sana gano'n nalang kadali 'yon, ano? Sa tingin ko kasi, hindi na p'wedeng ibalik kung anong meron man tayo noon.
|Clover Clynn logged out|
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...