XXXVIII. LETTER

22 4 0
                                    

[A/N: I suggest to play the multimedia sa taas.]

Buong araw na hindi lumabas si Clover sa kaniyang kwarto. Halos hindi na siya kumakain dahil hindi nakakaramdam ng gutom itong sikmura niya.

Hindi niya lubos na maisip na mangyayari ang lahat ng ito sa magkakasunod na taon. Akala niya ay sa mga pelikula lang p'wedeng mangyari ang mga ito, pero ngayon ay napatunayan niya ng p'wede ring palang mangyari sa totoong buhay ang mga pinapalabas sa mga pelikula.

Tila napagod na ang kaniyang mga mata sa kaka-iyak buong gabi, kaya gustuhin niya mang umiyak ngayon dahil sa sakit na nararamdaman niya ay walang lumalabas na kahit isang luha.

Dapat maging masaya siya dahil ikakasal na ito at iyon ang gusto niyang mangyari noon, pero ayaw talagang tanggapin ng buong pangkatao niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagiisip ng mga bagay-bagay ng biglang may kumatok sa kaniyang pintuan.  Alam niyang si Ariella ito  o si Tashia.

"Pasok," tanging sagot niya.

Hindi siya nagkamali dahil pagkabukas ng pinto ay  iniluwal nito si Ariella na naka-short at oversized shirt.

Lumapit ito sa kaniya, "May pinapabigay si Christian sa 'yo," sabi nito sabay abot ng isang papel na may sulat.

"Nasaan siya?" tanong niya.

"Umalis na mabalik ng States kaninang umaga," sabi nito dahilan para sumikip ang dibdib niya pero minabuti niyang hindi ipahalata iyon kay Ariella.

"Sige, aalis na ako," paalam nito.

Tatalikod na sana si Ariella ng bigla siyang magsalita, "Alam mo lahat, tama?" tanong niya ng hindi tumitingin dito.

"Hindi lahat, Clover. Ang sinabi niya lang sa 'kin ay tulungan ko siyang mapalapit sa 'yo bilang Darious dahil kailangan ka niyang makausap. Hindi ko aakalain na-- basta,"  paliwanag nito.

Tinignan niya ito, "So totoong matalik mo siyang kaibigan?" tanong niya.

"Oo. Magkababata kami, kaso no'ng grade 6 kami ay nagpunta sila ng States. Kaya hanggang chat nalang kami," kuwento nito.

"All this time, tinutulungan mo pala siya?" nakita niyang yumuko ito.

"Oo. Ako ang nagiging mata niya sa 'yo no'ng nandoon pa siya sa States. Iyong pagtira ko rito at hindi rin dahil sa gusto akong turuan ng leksyon ni daddy, pero dahil pinakiusapan siya ni Christian," kuwento niya pa.

Ngayon ay nagiging malinaw na sa kaniya ang lahat. Kaya pala minsan ay nalalaman ni Christian ang mga galaw niya dahil pala kay Ariella at hindi kay Tashia.

"Dahil tapos na ang pinapagawa ni Christian, aalis ka na?" mas pinili niyang itago ang lungkot sa mukha niya.

Muli na namang sumikip ang dibdib ni Clover. Kahit planado ang pagtira ni Ariella rito ay naging parte na rin ito ng munti nilang pamilya. Marami na rin silang pinagsamahan tatlo kaya nasasaktan siyang malaman na aalis ito.

Tumango-tango ito habang nakayuko, "Oo e."

Hindi siya sumagot kaya nakita niyang tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palabas sa kaniyang silid. Bago pa man nito tuluyang mapihit ang doorknob ay muling tinawag niya ito, "Ariella?"

"Yes, Clover?" tanong nito saka tipid na ngumiti.

"P'wede bang huwag ka munang umalis?" tanong niya.

Ngumiti ito ng malapad at tumango, "Sige ba. Mananaliti ako rito ng isa pang buwan." sabi nito.

Ngumiti siya ng tipid, "Salamat."

"Hindi ka galit sa 'kin?" tanong nito.

"Hindi, wala ka namang kasalanan," sabi niya.

"This is our fate, and I can't do anything but to accept this." sabi niya.

Tumango-tango ito at tuluyan ng lumabas sa kaniyang silid. Nang tuluyan na itong lumabas ay tinignan niya ang papel na ibinigay sa kaniya ni Ariella kanina. Kumuha muna siya ng lakas ng loob para basahin iyon. Ilang sandali palang ay humingi siya ng malalim at inihanda ang sariling basahin ang sulat.

Dear Clover,

          Alam kong nasasaktan ka ngayon ng sobra-sobra ng dahil na naman sa 'kin. Maski ako ay hindi rin makapaniwala na darating ang araw na 'to sa ating dalawa. Pero may huling pakiusap sana ako sa 'yo, magpakatatag ka. Alam kong wala akong karapatan sabihin ito sa 'yo dahil ako ang may rason kung bakit nagdurusa ka ngayon, pero sana maging matatag ka. Ikakasal man ako, pero hindi ka mawawala rito sa puso ko. Nandito ka pa rin, walang makakapag-alis dito sa 'yo.

        Susubukan ko. Susubukan ko siyang mahalin. Pero walang makakapantay ng pagmamahal ko sa 'yo. Isa ka sa mga magagandang nangyari sa buhay ko at malabong makalimutan kita. Hindi ko man matutupad ang mga pangako natin, pero sana humanap ka ng lalaki na tutupad nito. Mahal na mahal kita, Clover. Ngunit may rason ang lahat kung bakit tayo humantong sa ganito. At sa pagkakataong ito, ang istorya natin ay nagtatapos na. Mahal na mahal kita, pero kailangan na nating palayain ang isa't-isa. I love you so much!  Maging masaya ka sa buhay mo. God bless!

-Christian

Kanina lang ay walang lumalabas na luha sa kaniya pero ngayon ay nagulat siya ng may tumulong luha sa papel na hinahawakan niya.

Alam niyang darating ang araw na matatanggap niya rin ang lahat ng ito. Hindi man magiging madali pero alam niyang doon ang punta niya.

--

[A/N: I'll be posting the last two chapters tomorrow. Sana basahin niyo pa rin kahit ganito nangyari. Huhuhu.]

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon