Isang Linggo na ang lumipas simula no'ng lumipat si Ariella. Nagising si Clover dahil sa gutom na naramdaman, bumangon siya habang naka-pikit ang kaniyang mga mata at nag-unat-unat. Pagka-bukas niya ng kaniyang mata ay napatalon siya at nakuha ang lampshade sa sobrang takot. Hindi siya nag-iisa sa kwarto, may taong naka-itim hoodie at naka-pants. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod. Balak niya na sanang hahampasin 'to gamit ang lampshade na hawak niya dahil nakaka-tiyak siyang magnanakaw ito ng bigla siya nitong hinarap na siyang mas kinatakot niya.
"Magnanaka—" natigilan siya ng makita niya ang mukha nito.
"Hey! Wait! I'm not a thief!" Mabilis na umatras ito papuntang pintuan.
Naibaba niya ang lampshade na hawak niya, "Tangina! Anong ginagawa mo rito?!" sigaw niya.
"I'm sorry! Balak ko lang naman sanang yayain kang mag-jogging. Nakita ko kanina si tita Abelle no'ng palabas siya sa bahay niyo para pumasok sa trabaho at sabi niya puntahan lang daw kita sa kwarto mo," paliwanag nito.
"Wow, tiwalang-tiwala siya agad sa 'yo ah? Parang no'ng isang linggo lang naman kayo nagka-kilala," inis niyang sabi. Umupo siya sa kama dahil ramdam niya pa rin ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Hindi ako nagpapa-pasok sa kwarto ko kung kani-kanino. Alam mo bang muntik na kitang mapatay kahit lampshade lang ang hawak ko?!" sigaw niya.
Mas nadagdagan lang ang inis niya sa babaeng 'to, mas nainis siya dahil pinagkatiwalaan agad ito ng ina niya kung kaya't bago lang niya ito nakilala.
"Pasensiya na, beshywaps—" pinutol niya ito.
"Don't call me beshwaps because we're not friends, at p'wede bang umalis kana dito sa kwarto ko, wala akong balak sumama sa 'yo!" sabi niya sabay irap.
"Pero sabi mo--"
"No buts! Just go!" nakita niyang umiyak ito bago lumabas ng silid niya.
Napa-buntong hininga siya, naupo pa siya sa kama ng ilang minuto ng biglang bumkas ulit ang pinto. Sisigaw sana siya ulit dahil sa pag-aakalang si Ariella na naman iyon pero nakita niyang si Tashia ang niluwal ng pinto kaya medyo kumalma siya.
"I saw Ariella na lumabas sa bahay niyo, and she's crying. Anong nangyari? Anong ginawa mo?" tinapunan siya nito ng masamang tingin, sa pagkakataong ito ay hindi siya nakaramdam ng takot, sinalubong niya ang tingin nito.
"Concern ka sa kaniya? What's wrong with you people?!" sigaw niya dahilan para magulat ito.
"No, what's wrong with you!" may diin na sabi nito.
"There's nothing wrong with me! Kayo! Anong meron sa babaeng 'yon ah? Bakit gano'n kabilis niyo nalang siya pagkatiwalaan? Pinayagan siya ni mama na pumasok sa kwarto ko without asking my permission!" Kinoyom niya ang kamao.
"She's trying to be nice, Cece. Umandar na naman 'yang pagka-maldita mo? Kakalipat lang niya dito, tapos ganiyan na turing mo sa tao? Ano ka ba?" sumbat nito. Nanatili lang siyang tahimik.
"Si Ariella na nga ang gumagawa ng first move para maging magka-ibigan kayo kasi aware siya na hindi mo siya gusto, hindi mo ba ma-appreciate 'yon? C'mon Clover, bakit ganiyan ka?" tanong nito.
"Ewan ko ba, twenty-one kana pero iyang ugali mo parang katorse anyos," tila parang bola ang mga sinabi nito dahil sapol na sapol siya. Hindi niya alam kung bakit naka-ramdam siya ng sikip sa dibdib.
"Sa pagkaka-alam ko, wala ka namang trust issue," kunot-noong sabi nito.
"Bahala ka sa buhay mo. Kapag iyang si Ariella umalis bukas, sinasabi ko sa 'yo, makakarating agad 'to kay Christian," bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.
"Patagal ng patagal, pasama ng pasama ang ugali mo," tuluyan na nitong nilisan ang silid.
Hindi niya alam ang dapat maramdaman, nangingibabaw sa kaniya ang sakit. Hindi niya alam na gano'n na pala kasama ang nagagawa niya nitong nakaraang linggo kay Ariella. Kahit siya ay hindi nagugustuhan ang ugali niya, totoo ngang nagbago siya sa pagiging maldita sa social media, ngunit naging kabaliktaran naman ito sa personal.
"I'm sorry, Ariella," sabi niya sa kaniyang isip.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...