VII. FRIEND REQUEST

19 5 1
                                    

Pagka-gabi rin agad no'n ay nag-online siya para i-kuwento kay Christian ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang inis niya sa babaeng 'yon.


Clover Clynn Delgado: Mahal? May ginagawa ka ba?


Christian Tupaz: Medyo wala naman, mahal. May tinitignan lang akong mga files ni daddy. Bakit?


Clover Clynn Delgado: P'wede ba tayong mag-video call?


Christian Tupaz: Sorry, mahal. Siguro chat nalang muna tayo.


Clover Clynn Delgado: Okay.


Christian Tupaz: Ano ba 'yon? Dito mo nalang sabihin.


Clover Clynn Delgado: Dumating na kasi 'yong bagong kapit-bahay namin.


Christian Tupaz: Oh di mabuti? Babae 'yon, diba?


Clover Clynn Delgado: Oo, pero ano kasi mahal. Naiinis ako sa kaniya.


Christian Tupaz: Bakit naman??


Clover Clynn Delgado: Sobrang arte niya kasi lalo na kung nagsasalita, tapos sobrang feeling close pa.


Christian Tupaz: Ayaw mo no'n? Hindi kana magfi-first move..


Clover Clynn Delgado: Alam mong ayaw ko sa maarte. Kanina lang siya dumating tapos pumunta agad siya sa bahay namin, ewan ko nga kung bakit nakuha niya agad ang loob ni mama, pati na si Tashia na bihira lang makipag-kaibigan.


Christian Clynn Delgado: Mahal, huwag mo agad husgahan ang tao. Malay mo? Gano'n lang talaga ang nature niya makipag-usap. Baka gano'n ang way niya para maging malapit agad sa tao..


Clover Clynn Delgado: Basta naiinis ako sa kaniya!


Christian Tupaz: Bigyan mo siya ng pagkakataon, malay mo mabait 'yon.


Clover Clynn Delgado: Kahit mabait 'yon, ayaw ko pa rin sa maarte.


Christian Tupaz: Kahit ano namang sabihin ko, hindi ka makikinig.


Clover Clynn Delgado: Aish! Huwag na nga natin siyang pag-usapan.


Christian Tupaz: Okay.


Clover Clynn Delgado: Huwag mo akong i-okay, alam mong ayaw na ayaw ko 'yan.


Christian Tupaz: Opo.


Clover Clynn Delgado: Nga pala, bakit ayaw mong makipag-video call?

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon