Naka-ilang lakad-balik na si Clover sa kaniyang kwarto, inaamin niyang kasalanan niya ang nangyari kahapon pero sadyang nagulat lang talaga siya. Hindi niya napigilan ang talas ng pananalita niya na siyang dahilan kung bakit sobrang nasaktan si Ariella. Hindi niya na itong nakitang lumabas sa kaniyang bahay ngayon araw. Alam niyang kailangan niyang humingi ng tawad, pero hindi niya alam kung paano.
Una niyang ginawa ay nag-open siya ng kaniyang Facebook acoount para i-chat si Tashia at saktong online ito.
Clover Clynn Delgado: Pssst Tashia! Galit ka?
Tashia Lovill: Nah.
Clover Clynn Delgado: Look, I'm sorry. Nagulat lang ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko kahapon.
|seen 01:03|
Clover Clynn Delgado: Hindi ko rin 'to gusto, okay? Hindi ko alam kung bakit ganito ako, hindi ko alam kung bakit. Sorry na talaga, Tashia.
|Tashia is typing...|
Tashia Lovill: Hindi ka dapat mag-sorry sa 'kin, kay Ariella.
Clover Clynn Delgado: Iyan na nga problema ko e, hindi ko alam kung paano.
Tashia Lovill: Puntahan mo sa bahay nila.
Clover Clynn Delgado: Nahihiya ako.
Tashia Lovill: Walang magagawa iyang hiya na 'yan, Cece.
Clover Clynn Delgado: Hindi mo 'ko sasamahan?
Tashia Lovill: Hindi ako ang magso-sorry. Isa pa, dapat kayo lang ang mag-usap.
Clover Clynn Delgado: Aisshh!
Tashia Lovill: Good luck!
|Tashia Lovill logged out|
Napahilamos siya ng mukha. Kinakabahan siya dahil ngayon niya lang gagawin 'to.
"Lord, Ikaw na po ang bahala," sabi niya sabay buntong hininga.
Lumabas siya ng bahay para puntahan si Ariella, bahala na. Hindi siya makakatulog kung hindi pa siya humingi ng tawad dito, ayaw niyang lumipat ito dahil sa kaniya.
Nakailang hakbang lang siya ng marating niya ang bahay ni Ariella, pinagpapawisan ang kamay niya, hindi niya alam kung magdo-door beel ba siya o hindi. Sa huli ay nagawa niya ring pindutinito ng tatlong beses.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...