X. BABY

21 5 0
                                    

Kahit magka-layo sina Clover at Christian ay open pa rin ang mga ito. Lahat ng nangyayari sa buong araw ay dapat ikuwento nila sa isa't-isa. Kaya bago matulog, iku-kuwento muna niya kay Christian ang nangyari kanina.


Christian Tupaz: Hi mahal!


Clover Clynn Delgado: Hello, mahal! May iku-kuwento ako sa 'yo.


Christian Tupaz: Sige mag-kuwento ka lang, mahal.


Clover Clynn Delgado: Natatandaan mo si Ariella? Ang bagong lipat dito?


Christian Tupaz: Oo. Bakit? Naiinis ka na naman?


Clover Clynn Delgado: Hindi, masaya nga ako ngayon e.


Christian Tupaz: Talaga? Bakit?


Clover Clynn Delgado: Okay na kami, mahal.


Christian Tupaz: Humingi ka na ng tawad?


Clover Clynn Delgado: Huh? Pa'no mo nalaman?


Christian Tupaz: Kinuwento sa 'kin ni Tashia kahapon.


Clover Clynn Delgado: Aisshhh naman! Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?


Christian Tupaz: Hinihintay kong ikaw mismo ang mag-open up sa 'kin.


Clover Clynn Delgado: Ngayon hindi ko na kailangan pang sabihin kasi alam mo na. Kainis talaga 'yang si Tashia!


Christian Tupaz: Hayaan mo na si Tashia, ang importante okay na kayo.


Clover Clynn Delgado: Ang sarap pala sa pakiramdam nu? Iyong inis, bigla nalang nawala dito sa puso ko.


|Clover Clynn is typing...|


Clover Clynn Delgado: Kung ano kasarap kapag nagpapatawad, gano'n din pala kapag humihingi ng tawad.


Christian Tupaz: Truueee! Masaya akong hindi ka nagpakain sa pride, mahal. Congrats! I'm so proud of you.

*sending my virtual kiss*


Clover Clynn Delado: Sobrang proud ko rin sa sarili ko, mahal. Sa una lang pala mahirap, pero kapag nagawa mo na sobrang sarap pala.


Christian Tupaz: Shit! My mind.


Clover Clynn Delgado: Hahaha! Siraulo ka talaga, Chris!


Christian Tupaz: Sa una lang masarap, pero kapag nagawa muna sobrang sarap pala. rAwrr!


Clover Clynn Delgado: Rawwwwrrrrr! Hahahaha!


Christian Tupaz: Mahal?


Clover Clynn Delgado: Yes, mahal?


Christian Tupaz: How do you moan? HAHAHA!


Clover Clynn Delgado: Siraulo ka ba?! Hahahaha.


Christian Tupaz: Huwag mong seryosohin, icha-chat mo lang naman kung paano. HAHAHA!


Clover Clynn Delgado:Hahaha! Sige wait.


|Clover is typing...|


Clover Clynn Delgado: Meeee.... Meeee... Meee...


Christian Tupaz: Puttchhaaa! Ba't kambing? HAHAHAHA!


Clover Clynn Delgado: Hahaha! Ganiyan ako mag-moan eh. Tatanggapin mo pa rin ba 'ko?


Christian Tupaz: Oo naman, tatakpan ko nga lang ng packing tape 'yang bunganga mo kapag nag-ano. HAHAHA!


Clover Clynn Delgado: Hahaha! Siraulo ka! Inaantok na 'ko, matutulog na 'ko mahal.


Christian Tupaz: Sige, mahal. I love you to the moon and back, to infinity and beyond, from US to Philippines. Mwuaahh!


Clover Clynn Delgado: I love you to the moon and back, to infinity and beyond, from Philippines to US. Mwuaahh!


|Christian logged out|


Io-off niya na sana ang wifi ng biglang may magpoop-up na notification mula sa messenger.


Christian Tupaz has 2 new conversation.


Na-curious siya kaya saglit na in-open niya ang account ni Christian. Chineck niya ang mga messges dahil may hinala siyang iyong Isabelle na naman ang nag-chat. Naka-ilang check na siya ng mga pangalan pero wala ang pangalan ng babaeng 'yon, sinubukan niya na ring i-search pero walang lumalabas. Kakaiba ang tibok ng puso niya, hindi niya alam na may kung anong tumulak sa kaniya na pumunta sa Ignore Messages section. In-open niya ito at nakita ang pangalan nito.


Isabelle Fritz: I'm already here, baby. Where you at?


Christian Tupaz: I'm coming.


Natakpan niya ang bibig dahil sa nabasa, kusang tumulo nalang ang mga luha sa mga mata niya.

 

"Baby?" 

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon