XXXVI. BEHIND THE MASK

8 4 0
                                    

"Bakit dito mo 'ko dinala?" tanong niya kay Darious pero hindi siya sinagot nito. Nakita niyang lumabas ito ng kotse. Hindi niya ito maintindihan kung kanina naman ay kinakausap siya nito.

Nagsimula ng kabahan si Clover. Dinig na dinig niya ang tibok ng kaniyang dibdib at nagsimula na ring mamawis ang kamay at noo niya sa hindi malamang dahilan.

Tinignan niya ang orasan, alas kuwatro na pala ng hapon. Dali-dali siyang lumabas ng kotse nang makita niyang nagsimula na itong maglakad papunta sa direksyon ng dagat.

"Darious!" sigaw niya pero hindi siya nilingon nito o kahit huminto man lang. Kaya sinundan niya nalang ito. Ang bilis nitong maglakad, ang lakad nito halos ay takbo na niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit sa bawat hakbang niya ng kaniyang mga paa ay siyang pagbigat ng dibdib niya na para bang may kung anong nakapatong dito. Mas kinakabahan siya ngayon kumpara kanina. Para bang may kung anong bumubulong sa kaniya na bumalik na lang at huwag nang sumunod. Pero mas pinili niyang magpatuloy.

Nakita niyang nasa tabing dagat na si Darious at huminto na ito. Nanatili itong nakatalikod sa kaniya at nakaharap sa katawan ng dagat. Nanlaki ang kaniyang mata ng makitang gumalaw ang kamay nito para kunin ang strap ng mask na nakakapit sa kaniyang tenga.

Mas lalong kinabahan siya dahil dito. Ang puso niya ngayon ay parang tambol na hinahampas ng napaka-lakas dahil bawat tibok nito ay dinig na dinig ng kaniyang tenga. Kung kahapon ay excited siyang makita ang mukha nito, ngayon ay tila ba kabaliktaran na. Parang gusto niya tumalikod  at umalis na lang sa lugar na ito dahil bukod sa kinakabahan siya ng  sobra, pinapaalala rin nito ang dating alaala nina ni Christian.

Nasa likod na siya nito, "Darious?" nangininginig niyang sabi. May bahagi ng pagkatao niya ang umaasang sana hindi ito lumingon.

Literal na nanghina ang kaniyang tuhod at walang pasabi ay mabilis na tumulo ang kaniyang luha. Nanginginig ang sobra kaniyang katawan. Hindi niya inakala ang nakita.

Natakpan niya ang kaniyang bibig, "Chris?" sabi nito.

Sa ilang buwan ay ngayon nga lang ulit ito nakita, may mga konteng nag-iba sa mukha nito. Gusto niya ito yakapin ngunit tutol ang katawan niya.

Tinignan siya nito. May nagbabadyang luha sa mata nito, "Ako nga Clover," tuluyan ng tumulo ang luha sa kaniyang pisnge.

"Bakit kailangan mo pang magpanggap na ibang tao?" humihikbing tanong niya.

"Wala akong mukhang ihaharap sa 'yo matapos ng nangyari," nakayuko nitong sabi.

Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. Halo-halo ang emosyon nararamdaman ngayon ni Clover. Parang gustong sumabog ng kaniyang puso.

"Bakit ka pa bumalik, Chris? Magiging okay na sana ako e," sabi niya habang tinitignan ito.

"I'm so sorry, Clover. I'm so sorry if I caused you pain. Pangako, ito na ang magiging huli," saglit na huminto ito.

"Huling beses na iiyak ka dahil sa 'kin," tuluyan ng umiyak ito.

Tinignan niya ito, "Huling beses?"

Tinitigan din siya nito sa mata habang umiiyak, "Ikakasal na ako ngayong buwan, Clover."

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon