XXXVII. THE KISS

13 3 0
                                    

[A/N: I suggest to play the multimedia sa taas.]

"Ikakasal na 'ko ngayong buwan," paulit-ulit na nag-echo ang sinabi nito sa tenga ni Clover.

"Nagpunta ka dahil diyan? Gusto mo talagang ipamukha sa 'kin na ikakasal kana? Tangina naman, Chris!"

Alam niya na ito pero iba pa rin talaga kapag harap-harapan na itong sabihin ng taong mahal mo.

"Hindi pa ba sapat ang dalawang buwan na sakit? Gusto mo pang dagdagan?!" bulyaw niya.

"Hindi naman sa gano'n, Clover." Hahawakan na sana siya nito pero bigla niya itong tinapi.

"E anong gusto mo huh?!" ikinuyom niya ang kaniyang kamao. Gusto niya itong suntukin ng paulit-ulit para lang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Gusto kong personal na humingi ng tawad sa 'yo dahil hindi magiging sapat ang ilang sorry sa chat," sabi nito.

Hindi siya nagsalita, "Pagkatapos nating mag-break, halos masira na ang buhay ko. Muntik na ring malugi ang business namin dahil sa pinaggagawa ko," nanatili lang siyang nakakinig dito at hinahayaang tumulo ang kaniyang luha na umagos.

"Pero sa mga sandaling iyon, kahit tinataboy ko si Isabelle ay hindi niya ako iniwan," mas lalong naiyak si Clover ng marinig na binaggit nito ang pangalan ni Isabelle.

Humagulhol ito, "Ayaw ko magpakasal sa kaniya dahil ikaw lang ang mahal ko. Pero hindi ko sinasadya, I was drunk that night," alam niyang hindi niya gugustuhing marinig ang mga sasabihin pa nito. Tila ba ikakamatay niya kapag narinig niya pa ang mga susunod na lalaba sa bibig nito.

"May nangyari sa 'min at nabuntis ko siya. Hindi ko sinasadya. I don't have a choice but to marry her." Humagulhol ito.

Natigilan siya sa kaniyang narinig. Kusang gumalaw ang kaniyang kamay at sinampal niya ito.

Napahagulgul siya, "Huwag mo ng ituloy, ikakamatay ko Chris. Nakikiusap ako sa 'yo," pakiusap niya. Tila ba binagsakan siya ng langit ng lupa dahil sa kaniyang naririnig ngayon.

"I'm so sorry, hindi ko sinasadya," mas lalong umiyak siya ng yakapin siya nito. Dinama niya ang yakap ni Christian dahil alam niyang ito na ang magiging huling yakap na mararamdaman niya galing dito.

Kumalas siya sa yakap, "Alam mong sa simula pa lang wala ng magagawa 'yang sorry mo." Pununasan niya na ang kaniyang luha.

"Nagpunta ka rito dahil gusto mong palayain kita, tama?" tanong niya, hindi ito sumagot.

Humakbang siya papalapit dito. Nagtama ang kanilang mata na siyang naging dahilan para muling tumulo ang kaniyang luha. Inabot niya ang mukha nito at inilapat niya ang kaniyang labi sa malalambot nitong labi.

"Pinapalaya na kita," pagkasabi niya no'n ay tumakbo siya ng mabilis. Sa sobrang bilis ay hindi niya na napansing nakarating na pala siya sa kalye. May natanaw siyang taxi at mula rito ay nakita niyang lumabas sina Ariella at Tashia. Dali-dali siyang tumakbo papunta rito.

"Clover?" Dinig niyang sabi ni Tashia pero binalewala niya ito at mabilis na sumakay sa taxi.

"Umalis na tayo manong," utos niya sa driver ng taxi habang nagpupunas ng luha.

Ang araw na ito ang siyang magiging bangungot ni Clover. Ngayong araw ay ang ikalawang beses na nawasak puso niya dahil sa taong nakilala lamang sa social media.

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon