XXXI. MOVING ON STAGE

16 4 0
                                    

Alas nuwebe pa lang ng gabi. Alas diyes natutulog si Clover kaya may isang oras pa siya. Nag-open siya ng Facebook para doon igugul ang natitirang isang oras niya.

Habang abala siya sa pag-scroll sa feeds niya ay may post na umagaw ng pansin niya. Post iyon ni Darious.

"Don't you dare walk away from me." Pagbasa niya sa post nito.

Ini-stalk niya ito at tinignan ang lahat ng pictures ni Darious, pero laking pagtataka niya lang kasi walang pictures ng mga photoshoot nito. Mga normal na pictures lang na naka-mask.

"Baka mas gusto niyang private profile niya," bulong niya sa sarili.

Nagulat siya ng biglang may lumitaw na chat-head. Si Darious ito.

Darious Fuerte: Hey! Stalking me?

Clover Clynn Delgado: What? Of course not! Sino ka ba sa tingin mo?

Darious Fuerte: Chill. Nagbibiro lang.

Clover Clynn Delgado: So, nakapag-isip ka na ba?

Darious Fuerte: Pag-iisipan ko.

Clover Clynn Delgado: Gano'n na ba talaga kahirap tanggalin 'yang mask mo?

Darious Fuerte: Baka ma-in love ka.

Clover Clynn Delgado: Hell no!

Darious Fuerte: Lol. Just kidding.

|Darious is typing...|

Darious Fuerte: May boyfriend ka?

Clover Clynn Delgado: Wala, pero hindi available.

Darious Fuerte: Ang advance nito. Nagtatanong lang naman ako. Lol.

Clover Clynn Delgado: Asuss.

Darious Fuerte: Oo nga. Pero ba't wala kang boyfriend?

Clover Clynn Delgado: Nasa moving on stage.

Darious Fuerte: Aling stage ka na? Diba may limang stages 'yan?

|Darious is typing...|

Darious Fuerte:
*Stage 1: Denial Stage
*Stage 2: Anger
*Stage 3: Bargaining
*Stage 4: Depression
*Stage 5: Acceptance.

Clover Clynn Delgado: Nasa stage 5 yata?

Darious Fuerte: So, nakalimutan mo na pala siya?

Clover Clynn Delgado: Siguro? Ewan.

Darious Fuerte: Okay.

|Darious logged out|

"Alam mo may pagka-bastos din 'tong si Darious," inis na sabi niya.

Humiga siya sa kama at nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga. "Bakit ayaw mong aminin sa sarili mo na in between kapa ng stage 3 at 4, Clover?" tanong niya sa sarili.

Nang makita niyang online si Ariella ay agad niyang chinat ito. Gusto niyang malaman kung saan niya nakilala 'tong si Darious at kung bakit ipinakilala siya nito dito.

Clover Clynn Delgado: Ariella?

Ariella Aguilar: Yes, beshywaps?

Clover Clynn Delgado: Sino ba talaga si Darious? Close kayo nito?

Ariella Aguilar: Oo, close kami no'n. Hindi man halata pero matalik ko siyang kaibigan.

Clover Clynn Delgado: Saan ba siya nakatira?

Ariella Aguilar: Ayaw niyang sabihin ko sa 'yo.

Clover Clynn Delgado: At nagbilin pa talaga sa 'yo nu? Lahat nalang yata big deal sa lalaking 'yon. Pati sa bar naka-mask e.

Ariella Aguilar: Hehehe! Nag-cha-chat kayo?

Clover Clynn Delgado: Oo.

Ariella Aguilar: Yieeeee!

Clover Clynn Delgado: Gusto mo suntukan tayo? No'ng isang araw ka pa ah?

Ariella Aguilar: Sorry na. Bagay kasi kayong dalawa.

Clover Clynn Delgado: So, shini-ship mo kami?

Ariella Aguilar: Parang gano'n na nga. Hehehe!

Clover Clynn Delgado: Nakakatawa?

Ariella Aguilar: Pero gwapo 'yang si Darious ah?

Clover Clynn Delgado: Pa'no ako maniniwala kung hindi ko naman nakita?

|Clover Clynn is typing...|

Clovet Clynn Delgado: Alam mo Ariella, nakakainis ka. Wala kang kuwentang kausap.

Ariella Aguilar: Nag-mana lang sa 'yo, beshywaps.

Clover Clynn Delgado: Chee! Bye na.

|Clover Clynn logged out|

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon