XI. PRETEND

18 4 0
                                    

Parang pinipiga ang puso ni Clover ng mabasa niya iyon, nanginginig ang kaniyang buong katawan lalo na ang kamay niyang nangangating replyan ito. Kanina pa rin tulo nang tulo ang luha niya na halos mabasa na ang screen ng cellphone.


Ini-stalk niya ang babae gamit ang account ni Christian at tila ba binagsakan siya ng langit at lupa ng makita ang nasa featured photo nito. Si Christian, naka-akbay kay Isabelle. Masaya silang dalawa sa picture na naging dahilan para mas lalong masaktan siya.


Tinignan niya ang picture ni Isabelle. Blonde at curl ang buhok nito na may haba na hanggang sa balikat at may perpektong hugis ng mukha, may full lips na kina Angelina Jolie at Kylie Jenner niya lang nakikita.


Kusang umangat ang ulo niya at napatingin sa gawi kung saan naka-lagay ang salamin. Nakita niya ang repleksyon ng sarili, umiiyak at magulo ang buhok. Nanlumo na lamang si Clover dahil walang-wala siya sa babaeng iyon.


"Sino siya? Bakit kasaman niya si Christian?" humihikbing tanong niya.


Ni-log-out niya ang account ni Christian. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang panginginig ng katawan niya, pati na rin ang bilis ng tibok ng puso niya. Nag-open siya ng account para i-chat si Tashia, hindi niya na kaya ito. 


Clover Clynn Delgado: Tashia, puntahan mo 'ko, nasa labas ako ng bahay. Huhuhuhu.


|seen 11:21|


Pagkatapos niyang i-chat iyon ay dali-dali siyang bumaba, wala siyang pakialam kung ano man ang matabig niya dahil madilim na ang paligid. Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong agad sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin, dahilan para mapayakap siya sa sarili. Umupo siya sa labas ng bahay nila, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha niya.


Mula sa hindi kalayuan ay naaninag niya ang isang aninong mabilis na naglalakad patungo sa kaniyang direksyon, sigurado siyang si Tashia iyon dahil alam niya kung pa'no ito lumalakad. Hindi pa naka-isang minuto pero nakarating na si Tashia sa kaniyang puwesto.


"Gabing-gabi na ah? Ba't ka umiiyak?" may pag-alala sa boses nito.


"In-open ko account ni Cristian kanina..." humihikbi niyang sabi. Halos hindi na siya nakapag-salita ng maayos.


"Oh tapos?" tanong nito.


"May nakita akong chat, nasa ignored messages 'yon. Tinawag siya ng babae na baby. Tashia may tinatago siya sa 'kin," bigla siyang niyakap ni Tashia.


"Shhhh..." hinahaplos nito ang kaniyang likod.


"Sino ang babaeng 'yon? Sino si Isabelle, Tashia?" naramdaman niyang mas hinigpitan ni Tashia ang pagkaka-yakap sa kaniya.


"Hindi ko alam, walang nabanggit si Christian sa 'kin tungkol sa kaniya." Kumalas siya sa yakap.


"Girlfriend niya ba 'yon sa States?" tanong niya. Nakaramdam siya ng pangod kaya kusang tumigil sa pag-buhos ang kaniyang mga luha. Hindi niya matatanggap kung ito man ay girlfriend talaga ni Christian doon. Hindi niya kakayaning malaman na naging pampalipas oras lang siya habang nananatili ito sa Pilipinas.


"Huwag mo munang isipin 'yan, baka mali lang ang akala mo. Sa pagkakakilala ko kay Christian, hindi nambababe iyon. Pero malay natin? Hays, pati ako ay naguguluhan na! Sino ba kasi 'yang lintek sa Isabelle 'yan? Gusto ko siyang makausap," hindi niya man masyado maaninag ang itsyura nito ay alam niyang sobrang naiinis na rin si Tashia. Ang tono ng boses nito ay mas mataas kesa sa ordinaryo.


"Huwag na muna siguro, Tash. Kung tama man ang iniisip ko ngayon, walang kasalanan si Isabelle," nakayuko niyang sabi.


"Hays, maldita ka pero iniisip mo pa rin talaga ang ibang tao. Anong balak mo ngayon?" tanong nito.


"Magpapanggap ako. Magpapanggap na walang alam, na walang nakita," pagkasabi niya no'n ay bigla na namang tumulo ang kaniyang mga luha.


"What?!" sigaw nito.


"Meron pa rin sa 'kin na naniniwalang hindi magagawa ni Christian 'yon. Alam kung may rason lahat, kung bakit nagawa niya ito sa 'kin, sa amin," malungkot na ngumiti siya.


"Hanggang kailan ka magpapanggap?" tanong nito.


"Hanggang siya na mismo ang magsabi sa 'kin ng totoo," mapait na ngumiti siya.


Nasasaktan siya, sobra pa sa sobra. Ito ang unang pagkakataon na magiging marupok si Clover, at kung tama nga siya, sinisigurado niyang magiging huli na. Sa mga sandaling iyon ay sigurado na rin si Clover, susugal siya sa labang ito. 

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon