Unang araw ng Mayo, bukas na ang araw ng pagkikita nila ni Darious. Hindi niya alam kung bakit tuwing naiisip niya 'yon ay kinakabahan siya.
Kasalukuyan silang nakaupo ni Tashia sa bench malapit sa bahay nila. Malapit ng mag-gabi kaya nagsimula ng mawala ang liwanag sa paligid.
"Aalis ako bukas kasama si Darious," sabi niya.
Humarap ito sa kaniya na may kunot ang noo, "What? Akala ko ba hindi mo siya pinagkakatiwalaan?" takhang tanong nito.
"Nakita ko namang mabait siya. Saka, pupunta naman ako dahil may rason," saad niya saka ngumiti.
"Anong rason?" tanong nito.
"Ipapakita niya na 'yong mukha niya," sabi niya.
Ang laki talaga ng expectation ni Clover na gwapo iyon, kaya sana bukas hindi siya mabigo.
"P'wede namang through messenger ah? Ba't kailangan pang-mag meet up?" kunot-noong tanong niya.
"Iyon din ang sabi ko no'ng una. Pero naisip ko, baka oras na rin para magkakilala kami ng maayos. No'ng sa bar kasi, hindi kami masyadong nagkakaintindihan dahil sa inggay," sabi niya.
"Sasama ako," saad nito na ikinagulat niya.
"Pero sabi niya, dalawa lang kami," rason niya.
"Hindi ko naman kayo iistorbohin. Gusto ko lang talagang sumama," sabi nito.
"Okay. Sasabihan ko siya. Pasok na 'ko ah?" saad niya saka tumayo.
"Sige, ipaalam mo rin kay Ariella ang tungkol dito," paalala nito. Tumango lang siya at nagsimula ng mag-martiya pauwi ng kanilang bahay.
Wala pang dalawang minuto ay nakapasok na siya sa bahay nila. Umupo siya sa sofa at nag-open ng Facebook. Doon niya nalang ipapaalam kay Ariella. No'ng ma-open niya ang messages ay nakita niyang online ito kaya agad niyang chinat.
Clover Clynn Delgado: Ariella?
Ariella Aguilar: Yes, beshywaps?
Clover Clynn Delgado: Aalis kami ni Darious bukas.
Ariella Aguilar: Oo, alam ko. Sasama ako bukas sa inyo.
Clover Clynn Delgado: Sasama ka rin?
Ariella Aguilar: Sasama kami ni Tashia. Pinaalam ko na rin 'to kay Darious at sabi niya ay okay lang.
Clover Clynn Delgado: Okay. See you tomorrow then.
Ariella Aguilar: See ya! Prepare yourself, beshywaps.
Clover Clynn Delgado: Alam ko na 'yon.
Ariella Aguilar: Anong susuutin mo bukas?
Clover Clynn Delgado: Hindi ko rin alam. Pipili nalang ako mamaya.
Ariella Aguilar: By the way beshywaps. Babalik na siguro ako sa bahay namin. Na-miss na raw ako nina Daddy.
Clover Clynn Delgado: Aalis ka na?
Ariella Aguilar: Baliw! Hindi pa naman sure.
Clover Clynn Delgado: Pero aalis ka talaga?
Ariella Aguilar: Hindi ko pa nga alam, beshywaps.
Clover Clynn Delgado: Ayaw kong maging selfish sa daddy mo, pero sana mag-stay ka rito.
Ariella Aguilar: Ayaw ko rin namang umalis dahil sa inyo. Pero hindi pa naman sure kaya hayaan na muna natin.
|Ariella is typing...|
Ariella Aguilar: Bye! Maghahanda na 'ko para bukas.
Clover Clynn Delgado: Excited lang? Okay. Bye!
|Ariella logged out|
Mag-a-out na rin sana siya para pumuli ng damit ng makita niya ang post ni Darious.
"Never been ready for this." Pagbasa niya sa post nito.
Saglit na kumunot ang noo niya pero dahil hindi niya maintindihan ay tuluyan na siyang nag-out.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...