XXIV. LAST

15 5 2
                                    

[AN: I suggest po na i-play niyo 'yong BEFORE YOU GO by Lewis Capaldi while reading this chapter or you just can play the multimedia sa itaas. Kung kaya niyo lang naman po, hindi ako namimilit. Chour!]

--

Kanina pa si Clover pabalik-balik sa kaniyang silid. Matapos ng ilang araw na pagiisip ay ngayon niya na balak sabihin kay Christian. Hindi siya nilulubayan ng kaba, para bang may kung anong nagkakarera sa dibdib niya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone na naka-lapag sa kama. Huminga siya ng malalim at in-open ang kaniyang messenger. Mas lalong kinabahan siya ng makita niyang online ito. Nagpapawis ang kamay niya habang nagta-type.

Clover Clynn Delgado: Chris, we need to talk.

Christian Tupaz: Chinat mo na rin ako sa wakas. Galit ka pa ba?

|Christian is typing...|

Cristian Tupaz: Ano 'yong gusto mong pagusapan natin, mahal?

Clover Clynn Delgado: Huwag mo akong tawaging ganiyan.

Christian Tupaz: Bakit ano gusto mo? Babe, honey, love? HAHAHA! Pero to be honest, mas gusto ko 'yong babe.

Clover Clynn Delgado: Hindi ako nakikipag-biruan, Chris.

Christian Tupaz: Totoo naman kasi. Bakit ayaw mong tawagin kitang mahal?

Clover Clynn Delgado: Tama na muna.

Christian Tupaz: Anong tama na? Tawagin kitang mahal? Gusto mo ba talagang palitan endearment natin?

Clover Clynn Delgado: Hindi 'yan ang ibig kung sabihin!

Christian Tupaz: Ano nga kasi? Go straight to the point, Clover.

Clover Clynn Delgado: Tama na. Itigil na muna natin 'to.

Christian Tupaz: Ang alin nga kasi?

Clover Clynn Delgado: Kung anong meron tayo.

Christian Tupaz: What?! Why?

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Dahil na naman ba 'to kay Isabelle? Bigyan mo nga lang ako ng tamang oras para sabihin sa kanila ang totoo. Nahihirapan din naman ako ah?

Clover Clynn Delgado: Alam ko, kaya nga kailangan na muna nating 'tong ihinto eh.

|Clover Clynn is typing...|

Clover Clynn Delgado: Kailangan natin 'to, we both need space.

Christian Tupaz: Hindi, ikaw lang Clover. Kasi ako, kahit hirap na hirap na ako hindi ko inisip 'yan dahil alam kong maso-solusyonan pa 'to.

Clover Clynn Delgado: E anong gusto mong gawin ko, Chris? Magpanggap na naman na para bang walang nangyari?!

Christian Tupaz: Hindi naman gano'n, Clover. Ang gusto ko lang 'yang tiwala mo, kahit konte lang.

Clover Clynn Delgado: Hindi 'to barya na p'wede mong ibigay kahit anong oras. Hindi 'yon gano'n kadali, Chris. Kasi may posibilidad na kapag nagtiwala ulit ako, masasaktan na naman ulit ako.

Christian Tupaz: Grabe naman, mahal. Kung umasta ka parang ilang beses ko na 'tong ginawa sa 'yo ah?

Clover Clynn Delgado: Ito nga 'yong una, pero tangina! Bakit gano'n kasakit?

Christian Tupaz: Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan at nahihirapan e. Sinubukan mo rin ba akong tanungin tungkol sa nararamdaman ko, Clover? Tinanong mo rin ba 'ko kung kamusta ako?

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Hindi dahil ako 'yong may mali, na ako 'yong may kasalanan hindi ibig sabihin no'n hindi ako nasasaktan o naapektuhan!

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko! Walang araw na hinihiling ko na sana no'ng una palang gumawa na ako ng aksyon!

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Nasasaktan din akong malaman na nasasaktan ka!

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Alam ko, naiintindihan ko kung nahihirapan kang patawarin ako. Hindi naman kita minamadali, pero sana bigyan mo lang ako ng pagkakataong itama lahat ng 'to.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Walang magagawa 'tong mga chats ko para pigilan ka. Kahit anong gawin ko, alam kong naka-desisyon ka na.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Mahal kita, kaya hahayaan kita.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Hahayaan kita, pero hindi ibig sabihin no'n dito na magtatapos ang lahat.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Hindi nila p'wedeng turuan 'tong puso ko. Dahil kahit anong mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Alam kong napapagod ka nang magbasa itong mga chats ko. HAHAHA.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Pero may mga gusto lang akong sabihin sa 'yo.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Una, pasensiya na dahil nasaktan kita. Alam kong nangako akong hindi kita sasaktan, patawarin mo sana ako.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Pangalawa, mahal na mahal na mahal kita. Walang hihigit sa 'yo. Ikaw pa rin 'yong babaeng mangkukulam dito sa puso ko. I love you to the moon and back, to infinity and beyond, from US to Philippines.

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: Lasty...

|Christian is typing...|

Christian Tupaz: HAPPY  LAST MONTHSARRY.

|Christian logged out|

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon