XXXIII. THE PROMISE

15 4 0
                                    

Huling araw para sa buwan ng Abril. Isang buwan nalang at magbubukas na ulit ang klase. Dalawang buwan na rin ang nakalipas noong maghiwalay sina Clover at Christian.

Balak niyang magpalit ng profile picture ngayon kaya naghanap siya sa kaniyang galery ng p'wede niyang i-profile. Nang ma-open niya na ang kaniyang galery ay bumungad agad sa kaniya ang isang album kung saan nakalagay ang mga pictures nila ni Christian.

Bigla na namang sumikip ang dibdib ni Clover ng makita ang lahat ng pictures nilang magkasama. Gusto niyang pumikit, gusto niyang i-close nalang ang galery pero may kung anong pumipigil sa kaniya.

"Ang saya pa natin dito, Chris." Mapait na ngumiti siya.

Hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa ganito. Ang dami pa nilang pangarap na magkasama. Pero ngayon, lahat ng 'yon ay mananatili nalang alala.

Nakita niya ang sariling isa-isang binubura lahat ng pictures nilang dalawa. Siguro ay tama lang 'yon. Sakit na kasi ang dulot sa kaniya ng mga pictures na 'yon, hindi na saya.

"Sinasabi ko man sa sarili ko na kakalimutan kita, God knows, hindi ko 'yon magagawa. Hindi ko kayang kakalimutan ang taong minsang nagpasaya at bumuo sa 'kin," sabi niya matapos i-delete lahat ng pictures nila.

Nagpunas ng luha si Clover at isinara ang galery. Nagpunta siya sa Facebook para aliwin ang sarili. Pagka-open niya palang ng messages ay bumungad na agad sa kaniya ang chat ni Darious.

Darious Fuerte: Good afternoon. Hope you're doin' fine.

Clover Clynn Delgado: Good afternoon din. I'm doing fine naman. Ikaw ba?

Darious Fuerte: Gano'n din. Kamusta ka?

Clover Clynn Delgado: Okay lang. Ikaw?

Darious Fuerte: Okay lang. Gwapo pa rin naman.

Clover Clynn Delgado: Papanong gwapo? E hindi ko nga nakita mukha mo. Duh!

Darious Fuerte: Gwapo nga ako. Promise!

Clover Clynn Delgado: Saka na ako maniniwala kung nakita ko na mukha mo.

Darious Fuerte: Bakit ngayon?

Clover Clynn Delgado: Gusto mo 'kong maniwala?

Darious Fuerte: Oo naman. Ikaw lang kasi yata ang hindi naniniwala na gwapo ako e.

Clover Clynn Delgado: Puwes, pakita mo sa 'kin 'yang mukha mo. In short, tanggalin mo 'yang mask mo.

|Clover Clynn is typing...|

Clover Clynn Delgado: Hindi mo masasabing gwapo ang isang lalaki kung ang makapal niya lang na kilay ang tanging nakita mo.

Darious Fuerte: Grabe. Gano'n ka na talaga ka interesado sa pagmumukha ko?

Clover Clynn Delgado: Sa pagmumukha mo lang ako interesado, hindi sa 'yo.

Darious Fuerte: Lol. Gano'n pa rin 'yon. Ako pa rin naman nagmamay-ari ng pagmumukha na 'to.

|Darious is typing...|

Darious Fuerte: Pero gusto mo ba talagang makita?

Clover Clynn Delgado: Yes. Bakit? Nakapag-desisyon kana?

Darious Fuerte: Nakapag-desisyon na ako.

Clover Clynn Delgado: Anong desisyon mo?

Darious Fuerte: Magpapakita na 'ko sa 'yo.

Clover Clynn Delgado: Grabe 'yan term na magpapakita ah? Hahaha. Pero sige, send mo nalang picture mo rito.

Darious Fuerte: Nah.

Clover Clynn Delgado: Nah? Bakit? Akala ko ba ipapakita mo na 'yang mukha mo?

Darious Fuerte: Sa personal. Gusto kong personal mo 'tong makita.

Clover Clynn Delgado: Ay! Iba ka rin nu? Pero sabagay. Kailan tayo magkikita? Kasama ba sina Ariella at Tashia?

Darious Fuerte: Tayong dalawa lang.

|Darious is typing...|

Darious Fuerte: Uunahan na kita. Wala akong gagawin sa 'yo. Sana magtiwala ka.

Clover Clynn Delgado: Aish! Basta saglit lang tayo ah? Baka anong isipin nina Tashia.

Darious Fuerte: Sure thing!

Clover Clynn Delgado: Kailan tayo magkikita?

Darious Fuerte: Sa susunod na bukas. May 2, biyernes ng hapon. Susunduin kita riyan.

Clover Clynn Delgado: Okay, sige. Basta wala ng bawian ah?

Darious Fuerte: Promise. By the way, I have to go. Bye!

|Darious logged out|

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon