Lunes ng gabi, huling gabi ni Clover kasama si Christian. Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin nito dahil bukas ng madaling araw aalis ng eroplano.
Mugto ang mga mata niya pero tinabunan niya ito ng concealer para hindi mahalata ni Christian. Dalawang gabi na siyang umiiyak, hindi niya pa rin tanggap sa sarili niya na aalis ito.
Nasa kalagitnaa siya ng paglalagay ng tinuping mga damit sa isang kulay itim na maleta nang hawakan siya ni Christian sa kamay. Tinignan niya ito ng may tipid na ngiti, "Hmm?"
"Kahit anong tago mo, alam ko at nakikita kong nasasaktan ka. Okay lang umiyak, mahal," kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay at niyakap nito si Christian.
"Kakayanin natin 'to, diba?" humihikbi niyang tanong. Naramdaman niyang hinahaplos nito ang kaniyang likod.
"Oo naman, tayo pa ba?" sabi nito.
"Pero p'wede mo pa naman akong pigilan, mahal. Sabihin mo lang, hindi ako aalis," sabi nito dahilan para kumalas siya sa yakap.
"Hindi. Napag-usapan na natin 'to, at aalis ka," sabi niya saka umupo sa kama.
"Oo, sobrang nasasaktan ako tuwing maiisip ko na aalis ka na bukas, na kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala ka sa tabi ko. Malayo 'yon e, hindi kita kayang puntahan," nakatungo niyang sabi habang umiiyak.
Mahirap man ay kailangan niyang baguhin ang mga nakasanayan niya. Mga nakasanayan niyang kasama si Christian.
"Pero ayaw kong maging selfish, Chris. Kailangan kita pero mas kailangan ka ng pamilya mo," dagdag niya pa.
Si Christian ang nag-iisang anak ng mga magulang niya, kaya ibig sabihin ay siya ang kaisa-isahang mamamahala ng business nila sa susunod.
"Kaya naman kitang hintayin e," natatawa niyang sabi.
Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya, "Babalik agad ako, pangako." Sabi nito.
Tumango siya, "Basta mag-ingat ka palagi do'n, alagaan mo ang sarili mo. Babatukan talaga kita kapag nagka-sakit ka. Kumain ka sa tamang oras, huwag mong hayaang mabasa 'yang likod mo ng pawis. Naiintindihan mo?" bilin niya.
Nagulat siya ng bigla siyang hinayak nito, "I love you so much, Clover."
"I love you, too Chris," sagot niya.
Kumalas siya sa yakap, "By the way, nagpaalam ako kay mama na dito muna ako matutulog, and she said yes," nakangiti niyang sabi.
"Talaga?" nagningning ang mga mata nito.
"Pero syempre, alam mo na," dugtong niya pa.
"Oo naman! Anong tingin mo sa 'kin?" natatawa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
Fiksi UmumIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...