Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na ring natatanggap ni Clover ang lahat ng nangyari. Hindi man naging madali na malamang ang taong minahal mo ng sobra ay tuluyan ng ikinasal sa taong noon ay tinutulak mong piliin nito. Wala siyang pagsisisi sa nangyari, alam niyang darating 'yong araw na masasabi niya sa sariling tama lang ang ginawa niya.
Hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ni Clover ang kasabihang lahat ng bagay ay may dahilan. Alam niyang parte lang ito ng plano ng Diyos para mas maging matatag at matapang pa siya sa susunod. Ang kailangan niya lang gawin ay ang nagtiwala Dito.
Lahat ng mga aral na natutunan niya mula kay Percy hanggang kay Christian, ay gagawin niyang sandata para magpatuloy sa laban.
Kasama ng kaniyang pamilya, at mga kaibigang palaging nariyan palagi para samahan siya sa saya at sakit, ay magpapatuloy siya.
--
"Ako si Clover Clynn Delgado, at dito nagtatapos ang istorya ko."
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
Ficción GeneralIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...