Sa dalawang araw ay ang tanging nagagawa ni Clover ay ang pag-iyak, pagtulog, tapos magigising, iiyak ulit. Halos hindi na siya lumalabas ng kaniyang kwarto, pwera nalang kung maliligo siya't kakain. Wala rin siyang ganang makipag-halubilo sa kaniyang ina maski kina Tashia at Ariella. Sa puntong ito ay tila nawalan ng gana si Clover sa buhay. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakausap si Christian, tinatawagan nito si Tashia dahil gusto raw siya nitong makausap ngunit wala pa siyang tapang para marinig ang mga sasabihin nito.
Alas sais ng umaga, hindi masyadong nakatulog si Clover dahil hindi siya pinapatulog ng sakit sa kaniyang dibdib. Mamumugto na rin ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak.
Nakatulala siyang nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang kaniyang inang naka-unipormi na, "Anak, aalis na ako. May pagkain na roon sa lamesa, bumaba ka nalang do'n," paalam nito.
Aalis na sana ito ng bigla siyang magsalita, "Ma? P'wede bang hiramin ko muna 'yong cellphone mo?" hindi niya man kita ay alam niyang nagulat ito.
"Handa ka na ba anak?" tanong nito.
"Kahit kailan naman hindi ako magiging handa para rito. Kahit naman maging handa ako, masasaktan at masasaktan pa rin ako," sagot niya ng hindi tumitingin dito. Diretsyo pa rin siyang nakatingin sa bintana.
"Okay, sige. Marami na rin kasing chats si Christian sa 'kin, siguro oras na para magkausap kayo," sabi nito at inilapag ang cellphone sa kama.
"Oh sige na, anak. Sampung minuto na akong late. Kaya mo 'yan, magpakatatag ka." Hinalikan nito ang kaniyang buhok bago tuluyang umalis ng silid.
Hinintay niya munang magsara ang pinto bago niya hinarap ang cellphone ng kaniyang ina. Kinakabahan siyang kunin ito, pinagmasdan niya muna ito ng ilang minuto bago tuluyang kunin.
Nanginginig ang kaniyang kamay at sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso habang nagtitipa ng kaniyang password sa Facebook. Huminga muna siya ng napaka-lalim bago binuksan ang kaniyang messages. Maraming messages na tumabad sa kaniya, kay Tashia, kay Ariella pero sa isang tao lang talaga napako ang kaniyang mata. Kay Christian na may halos fifty messages. In-open niya ito ay binasa ang unang sampo.
Christian Tupaz: Mahal let me explain, please?
Christian Tupaz: Oo, bumalik ako rito para kay Isabelle but not to see her! Pero para sabihing ayaw kong magpakasal sa kaniya.
Christian Tupaz: Mahal, ikaw lang 'yong gusto kong pakasalanan.
Christian Tupaz: Forgive me dahil tinago ko sa 'yo ito. Pero kasi balak kong sabihin 'to sa 'yo kapag nakauwi na ako diyan at ayos na ang lahat.
Christian Tupaz: I know ino-open mo ang Facebook account ko. Iyong nabasa mong magkikita kami ni Isabelle, hindi iyon date. Sasabihin ko na sana sa kaniya pero hindi 'yon natuloy.
Christian Tupaz: Mahal, kausapin mo 'ko. Nagaalala na kami sa 'yo.
Christian Tupaz: Hayaan mong itama ko lahat ng mali ko. Kakausapin ko na ngayon si Isabelle, ayaw kong magpakasal sa kaniya.
Christian Tupaz: Kausapin mo 'ko, please?
Christian Tupaz: Nakikiusap ako sa 'yo, Clover.
Christian Tupaz: Hayaan mo akong magpaliwanag.
|seen 07:01|
Christian Tupaz: Mahal, sa wakas online ka na!
Christian Tupaz: Let me explain, please?
Clover Clynn Delgado: Kapag hinayaan ba kitang mag-explain, may magbabago ba? Kapag hinayaan ba kita, makakalimutan ko ba lahat ng sakit?
Christian Tupaz is calling you...
|Decline|Clover Clynn Delgado: Huwag mo akong tawagan, ayaw kitang makita.
Christian Tupaz: Let me explain then!
Clover Clynn Delgado: Okay.
Christian Tupaz: Pumunta ako diyan hindi dahil madalas mag-away sina mommy. Pumunta ako diyan dahil gusto tumakas kay Isabelle, dahil ayaw kong magpakasal sa kaniya. Hindi 'ko ito gusto, sina mommy ang nag-plano.
|Christian is typing...|
Christian Tupaz: Bata palang kami ni Isabelle gusto na ng pamilya namin na kami ang ikasal sa isa't-isa. Matalik na magkaibigan ang pamilya namin, noong una pa lang ayaw ko na. Hanggang sa tumuntong akong 19, nag-desisyon na akong tatakas ako sa kanila. Noong nag-20 nalang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumuntang Pilipinas para manirahan mag-isa. Kaya, mahal. Maniwala ka naman sa 'kin.
Clover Clynn Delgado: Siya ang piliin mo.
Christian Tupaz: What?! Hindi, ayaw ko sa kaniya.
Clover Clynn Delgado: Hindi niya deserve masaktan. Wala siyang kaalam-alam, Chris.
Christian Tupaz: Ikaw lang ang gusto kong makasama, Clover. Huwag mo naman akong ipilit sa kaniya.
Clover Clynn Delgado: Naguguluhan na rin ako, Chris! Gusto kitang ipag-damot, pero kasi may mas karapatan siya.
Christian Tupaz: Wala siyang karapatan hindi pa kami kasal.
Clover Clynn Delgado: Kahit na, doon pa rin ang punta niyo.
Christian Tupaz: Hindi, kakausapin ko sina mommy. Ayaw kong ituloy ang kasal, kaya nga umuwi ako rito, diba?
|Clover Clynn logged out|
"Lord, hindi ko alam kung anong dapat gawin. Sana tama 'tong desisyong nasa isip ko."
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...