XXXII. FALSE HOPE

16 5 1
                                    

Tanghaling tapat, nasa sala si Clover habang nakikinig ng music sa phone niya. Habang nakikinig ay nag-open siya ng Facebook. Pagka-open niya ay kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay at pumunta sa search bar. Nakita niya ang sariling tina-type ang pangalan ni Christian.

Pagka-search niya ay may mga lumabas na ibang user, pero hindi si Christian iyon. Hanggang ngayon ay nagba-baka sakaling pa rin si Clover na babalik si Christian.

Napabuntong hininga siya at nag-clear ng searches. Naiinis siyang makita na lahat pangalan ni Christian, wala kasi talagang araw na hindi niya ito chini-check. Na baka, nag-retrieve ito ng account.

Pagkatapos niyang mag-clear ay biglang may nag-chat. Akala niya si Darious na naman pero nakita niyang si Ariella ito.

Ariella Aguilar: Beshywaps?

Clover Clynn Delgado: Yes?

Ariella Aguilar: P'wede ba 'kong pumunta diyan?

Clover Clynn Delgado: Bakit nagpapa-alam ka pa e wala ka namang hiya?

Ariella Aguilar: Oy! May hiya ako ah.

Clover Clynn Delgado: Hahaha! Gaga. Bilisan mo, bored ako rito.

Ariella Aguilar: On my way!

|Ariella logged out|

Mga isang minuto lang ay may kumatok na sa pinto nila. Dali-dali niya itong binuksan at nakita niya si Ariella na naka-short at naka-spagetti strap na damit.

"Hi beshywaps!" bati nito.

"Gaga! Dali pumasok kana," sabi niya at sinunod naman nito. Sinara niya ang pinto at muling bumalik sa sofa.

"Kamusta ka? Nawala na hangover mo?" tanong niya saka umupo sa tabi nito.

"Sisiw lang 'yan sa 'kin." Tumawa ito.

"E ikaw? Kamusta ka? Kamusta 'yang puso mo?" sunod-sunod na tanong ni Ariella. Tinuro pa nito ang bandang puso niya.

Saglit na natahimik siya, "Malapit na 'kong maging okay." Ngumiti siya ng tipid.

Alam niya sa sarili niyang magiging okay din siya, hindi man ngayon pero malay mo sa susunod na bukas. Ramdam niyang malapit na.

"P'wede bang magtanong?" saad nito.

"Nagtatanong kana," sabi niya na ikinatawa nito.

"Seryoso kasi," natatawang sabi nito.

"Bakit? Nahihiya kang magtanong?" tanong niya.

"Hindi naman," sagot nito.

"Then spill it," sabi niya.

Seryosong tinignan siya nito, "Pa'no kung bumalik siya?" diretsyong tanong nito.

"Huh?" Kunit-noong tanong niya.

"Si Christian. Pa'no kung ma-retrieve ulit account niya? Pa'no kung makipag-balikan siya?" tanong nito.

"Pa'no kung nan-- basta! Anong gagawin mo?" dugtong niya pa.

Bigla siyang tumayo at dali-daling pumunta sa kusina dahil tila nawalan siya ng tubig sa kawatawan.

"Hey, wait!" Naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya.

Kumuha siya ng tubig sa ref saka ininom ito. Nang matapos siya ay masamang tinignan niya ito.

"Iyang bunganga mo talaga Ariella, walang preno. Ano bang klaseng tanong 'yan?" inis niyang sabi.

"Sagutin mo nalang kasi," nakatungong sabi nito.

Bumuntong hininga siya, "Hindi ko alam ang isasagot diyan dahil mukhang imposibleng bumalik siya," mahina man ay sapat na ito para marinig ni Ariella.

"Pagod na rin akong paniwalain ang sarili ko. Alam kong imposibleng mangayari 'yon kasi sa aming dalawa, ako ang may kasalanan."

Biglang sumikip ang dibdib ni Clover. Kinagat niya ang kaniyang labi para lang mapigilan ang sarili na umiyak sa harap ni Ariella.

"No'ng una pa lang dapat inalam ko na para hindi na namin nasaktan ang isa't-isa." Mapait na ngumiti siya saka mabilis na naglakad papunta sa kaniyang kuwarto.

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon