Kinaumagahan, alas diyes ng umaga nagising si Clover. Hindi niya alam kung gising na ba sina Ariella at Tashia dahil marami-rami ang nainom ng mga iyon. Kaya malamang ay may mga hangover.
Pasado alas onsi rin silang umiwi kagabi. Mabuti nalang at may kotse si Darious, dahil kung wala ay malamang mahihirapan siya sa dalawa.
Bago bumaba para kumain ay nag-open muna siya ng Facebook account niya. Pagka-open niya ng mga messages ay hindi siya nagulat ng makita ang pangalan ni Darious.
Darious Fuerte: Hi.
Clover Clynn Delgado: Hello. Kamusta ka? May hangover ka rin ba?
Darious Fuerte: Hangover ako sa 'yo.|deleted
Darious Fuerte: Wala naman. Konte lang naman kasi ininom ko.
Clover Clynn Delgado: Sabagay.
Darious Fuerte: Iisang compound lang pala kayong tatlo?
Clover Clynn Delgado: Oo. Ikaw, saan ka nakatira?
Darious Fuerte: Somewhere.
Clover Clynn Delgado: Huwag kang mag-alala, hindi kita pupuntahan nu!
Darious Fuerte: Talaga?
Clover Clynn Delgado: Oo nu! Sino ka ba sa tingin mo ah? Saka, hindi tayo close nu.
Darious Fuerte: Hindi nga ba?
Clover Clynn Delgado: Friends man tayo sa Facebook, at nagkakilala man tayo kagabi pero hindi ibig sabihin no'n, close na tayo.
Darious Fuerte: Anong gagawin ko para maging close tayo?
Clover Clynn Delgado: Hmmm...
|Clover Clynn is typing...|
Clover Clynn Delgado: Take off that mask of yours. Para makita ko na 'yong mukha mo.
Darious Fuerte: You sure?
Clover Clynn Delgado: Sure na sure. Hindi naman yata sa lahat ng oras nandiyan ang tinataguan mo, diba?
Darious Fuerte: Pag-iisipan ko.
|Darious logged out|
"Ikaw 'tong may gustong makipag-close sa 'kin, tapos kung sasabihin ko kung paano. Pag-iisipan mo. Bahala ka sa buhay mo!" inis niyang sabi.
Nakita niyang online si Tashia kaya chinat niya agad ito.
Clover Clynn Delgado: Tashia? Okay ka lang?
Tashia Lovill: Not really. Ang sakit ng ulo ko.
Clover Clynn Delgado: Ikaw kasi e. Uminom ka ng pain reliever.
Tashia Lovill: Later.
Clover Clynn Delgado: Siyanga pala Tashia.
Tashia Lovill: Yes?
Clover Clynn Delgado: Saan niyo nabingwit ni Ariella si Darious?
Tashia Lovill: Hindi ako, si Ariella lang. Pinakilala lang din siya sa 'kin.
Clover Clynn Delgado: Tapos pinakilala niyo rin sa 'kin?
Tashia Lovill: Nagpupumilit kasi si Ariella. Isa pa, gusto kasi naming maka-move on ka kay Christian.
Clover Clynn Delgado: Hindi madaling mag-move on.
Tashia Lovill: At least, sinusubukan mo.
Clover Clynn Delgado: By the way, Nakita niyo na mukha niya?
Tashia Lovill: Hindi ko pa nakita pero I guess nakita na ni Ariella.
Clover Clynn Delgado: Hindi mo pa nakita ang mukha pero pinagkatiwalaan mo na? At pinakilala mo pa talaga sa 'kin ah?
Tashia Lovill: Kahit hindi ko nakita mukha no'n, alam ko kung mapagkakatiwalaan ang tao. Dahil kung hindi, no'ng una pa lang ay inilayo na kita sa kaniya. Nakakaramdam ako, Clover. Baka nakalimutan mo?
Clover Clynn Delgado: Bakit kasi ayaw niyang tanggalin ang mask niya kahit sa bar? Aish!
Tashia Lovill: I-respeto nalang natin siya.
|Tashia is typing...|
Tashia Lovill: Sige na. Matutulog na ulit ako. May chineck lang akong email kanina. Bye!
|Tashia logged out|
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...