XV. TRUTH

21 4 0
                                    

Pagkasapit ng alas otso ay nag-open si Clover ng kaniyang Facebook account, ito kasi ang oras ng pag-chat nila ni Christian dahil naging busy na ito nitong nakaraang Linggo.

Clover Clynn Delgado: Hi mahal! Kamusta ang araw mo diyan ngayon?

Christian Tupaz: Okay lang naman, mahal. Busy sa mga bagay-bagay.

Clover Clynn Delgado: Huwag mong kalimutang magpahinga ah?

Christian Tupaz: Oo naman.

Clover Clynn Delgado: Mahal?

Christian Tupaz: Yes po?

Clover Clynn Delgado: May mga nagcha-chat sa 'yo?

Christian Tupaz: Syempre, mahal. Hindi p'wedeng walang may mag-chat sa 'kin.

Clover Clynn Delgado: Mga babae?

Christian Tupaz: Minsan.

Clover Clynn Delgado: Nire-replyan mo?

Christian Tupaz: Oo, naman. Hindi naman ako famous para i-ignore 'yong mga nagme-message sa 'kin, mahal.

Clover Clynn Delgado: Ah. Gano'n ba?

Christian Tupaz: Oo naman. Bakit? Nagseselos ka?

Clover Clynn Delgado: Hindi naman.

Christian Tupaz: Huwag kang mag-alala, mahal. I'll talk but no cheating.

Clover Clynn Delgado: I trust you, mahal.

|Clover Clynn is typing...|

Clover Clynn Delgado: Mahal?

Christian Tupaz: Yes, mahal?

Clover Clynn Delgado: Wala ka bang balak?

Christian Tupaz: Huh? Na ano?

Clover Clynn Delgado: Na sabihin sa 'kin ang totoo. Hirap na hirap na kasi ako. | deleted

Clover Clynn Delgado: Na hiwalayan ako?

Christian Tupaz: Syempre wala nu.

Clover Clynn Delgado: Hahaha. Dapat lang!

Christian Tupaz: HAHAHA! Nga pala, mahal. Baka may gagawin ka pa diyan? May gagawin pa kasi kami dito. Kung wala ka ng gagawin, matulog kana huh? Huwag kang mag-puyat.

Clover Clynn Delgado: Sige, mahal. Mag-ingat ka palagi. I love you!

Christian Tupaz: I do love you, too.

|Christian logged out|

--

Ariella Aguilar: Bessywappss?

Clover Clynn Delgado: Yes po?

Ariella Aguilar: Gising ka pa?

Clover Clynn Delgado: Natutulog na po ako.

Ariella Aguilar: Hehehe! Gaga ka talaga.

Favorite Pain[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon