"You are Darious Fuerte, right?" kunot-noong tanong niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon.
Agad niyang nakilala ang lalaki dahil katulad ng pictures niya sa Facebook ay may mask at bonnet.
Laking pagtataka lang ni Clover kung bakit mula Facebook at personal ay may may takit ang mukha nito. Nagpunta siya rito para gamotin ang kuryosidad niya sa katawan, pero tila ba bumalikad pa dahil mas lalong na-curious lang siya dahil sa lalaking ito.
Nangalay ang paa niya sa kaka-tayo kaya umupo na siya sa tabi ni Tashia. Pa-bilog ang pag-arrange ng upuan kaya nasa gitna siya nina Tashia at Ariella.
"Magkakilala kayo?" takhang tanong ni Tashia habang kunot-noong nakatingin sa kaniya.
"No, but he sent me a friend request last night," sabi niya saka muling tumingin kay Darious. Nahuli niyang tumingin ito sa kaniya kaya bigla itong napaiwas ng tingin.
"Ay oo! Nabanggit ko nga pala Facebook account mo sa kaniya," biglang saad ni Ariella na ngayon ay nakatingin din sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siya sa pagtingin sa binatang nasa harap niya at kinikilatis ito. Alam niya at sigurado siyang nakita niya na ito. Hindi niya lang matandaan kung saan at kailan.
"Nagkita na ba tayo?" tanong niya habang nakatagilid ang ulo.
"Isa siyang model, kaya malamang nakita mo na siya sa magazine o internet," sabat na naman ni Ariella.
"Tinatanong ba kita? Ikaw ba si Darious? Sa pagkaka-alam ko ikaw si Ariella. Kaya p'wede ba, tumahimik ka." Inirapan niya ito at muling binalik ang tingin sa binata na panay ang iwas ng mata.
"Tell me, Darious. Nagkita na ba tayo? Ba't sobrang familiar mo sa 'kin?" muling tanong niya.
"I don't think so, but maybe Ariella is right." Nanlaki ang mga mata niya at nanindig ang balahibo niya sa hindi malamang dahilan ng marinig niya ang boses nito.
"Akala ko pipi ka," pabulong niyang sabi.
"What did you say?" tanong nito.
"Sabi ko baka nga doon kita nakita," pagsi-sinungaling niya.
"Ariella, sama ka? Order tayo ng drinks," pag-aaya ni Tashia kay Ariella.
"Iiwan niyo 'ko kasama ng lalaking 'to-- ni Darious, I mean," tanong niya.
"Mabilis lang naman kami," sabi ni Tashia at nagsimula ng tumayo.
"Time niyo na para makilala ang isa't-isa. Yiieee!" Sinundot-sundot ni Ariella ang tagiliran niya dahilan para mainis siya.
"Okay ka lang, Ariella?" Sinamaan niya ito ng tingin.
"Anong gustong mong drinks, Darious?" tanong ni Tashia.
"Whiskey on the rock," sabi nito.
Tumango lang si Tashia at nagsimula na silang umalis papuntang counter. Tinignan niya ito, "So, umiinom ka pala?" tanong niya kay Darious.
May kung ano sa mga mata nito na hindi niya maintindihan, para bang may sinasabi ang mga ito na hindi niya kayang alisin ang mata niya rito.
"Sa panahon ngayon, malabo ka ng makakakita ng lalaking hindi umiinom," saad nito habang nakatingin sa kaniya. Kahit hindi niya kita ang itsyura nito, ay alam niyang gwapo si Darious. Hindi naman 'to magiging model kung hindi gwapo, diba?
"Oy! May kilala ako ah. Si Chris--" nagulat siya sa lumabas sa bibig niya kaya natakpan niya ito.
"Sino?" tanong nito. Nakita niyang kumunot ang makapal nitong kilay.
"Wala! Kalimutan mo na." Napa-buntong hininga siya. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hanggang dito ba naman sa bar ay naalala niya si pa rin si Christian.
Natahimik silang dalawa. Tanging music nalang at mga tao sa paligid ang gumagawa ng mga nakaka-bengeng ingay.
Nang magsawa siya sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ay nagsalita na si Clover, " Darious?" tawag niya rito kaya napatingin sa kaniya ang binata.
"Hmm?"
"Bungi ka ba?" seryoso niyang tanong.
Narinig niyang tumawa ito, "What? Of course, not!"
"E, ba't ka naka-mask? Hanggang dito ba naman sa bar? Nakakahinga ka pa ba?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ang dami mo'ng tanong ah? Isa-isa lang." Mahinang tumawa ito.
"Pero de, nakakahinga naman ako," sabi nito.
"May pinagtataguan ka ba?" kunot-noong tanong niya.
"Oo," sagot nito saka nag-iwas ng tingin.
"Sino?" takhang tanong niya.
"Basta. Nandito siya," sagot nito.
BINABASA MO ANG
Favorite Pain[BOOK 2]
General FictionIsang taon na ang lumipas simula no'ng mangyari ang pangyayaring 'yon. Isang alaalang ibinaon na ng lahat sa limot. Ito rin ang naging paraan ng tadhana para pagtagpuin sina Clover at Christian. The reason why love grew between them. Maging isa kay...