Chapter 3

535 15 0
                                    

Your Debt

Dave's Point of View

Tignan mo nga naman kapag nagbiro ang tadhana, nag-apply pa sa kompanya ko ang babaeng nakasira sa kotse ko at ang masaklap tinakbuhan pa niya kasalanan nito sa akin. Kung wala lang doon si Mama hindi ko 'yon tatanggapin.

Pagbabayarin ko talaga ang babaeng 'yan nakakainis siya.
Ipinatawag ko kaagad siya para, kumuha ng lunch para sa akin, tutal nagsimula na din naman ang trabaho niya ngayong araw.

"Good afternoon Sir ano pong kailangan ninyo?" masiglang bati niya sa akin, but I can sense it's a sarcastic one.

"Hmmm, Kindly get me a mineral water please?" Nakatalikod lang ako at nakaupo sa swivel chair nang sinagot ko siya.

"Sir may tubig naman kayo diyan sa desk niyo ha?"

"Ayoko niyan, hindi siya masarap."

"Okay po, Sir just wait for me." tugon nito at naramdaman ko na ang paglabas niya sa opisina ko.

Naghintay lang ako and after 10 minutes nandiyan na siya.
Tumalikod kaagad ako nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto.

"Sir here's your water."

"You sure that's a mineral water?"

"Yes Sir.."

"My mind changed, hmmm just get me Distilled water."

"Distilled water Sir?"

"Yes Distilled water."

"Wait for me Sir."

Nang makaalis siya humarap kaagad ako.
Nang maramdaman ko na naman ang pagbukas ng pinto, tumalikod kaagad ako.

"Sir here's your distilled water."

"Just put it on my desk."

"Distilled water, doesn't taste good, I prefer alkaline, please do get me again alkaline water."

"Alkaline Sir?"

"Yes."

"Be right back Sir."

Kagaya ng kanina ay humarap ulit ako,
Nakarinig ako ng huni ng sapatos kaya umayos kaagad ako ng upo at tumalikod.

"Sir here's your alkaline water."

"Put in on my desk, and get me a purified water, I much prefer that one."

"Sir bumili na din ako ng purified water kasi alam kong magpapakuha ulit kayo nito."

What?! Tskkkkk! I failed.
Pero base sa boses niya, mukhang hinihingal siya, pagod na pagod na siguro kakalakad at takbo.

"Hmm okay, leave."

"Leave? Sir pagkatapos mo akong utusan ng paulit-ulit hindi ka man lang magsasabi ng kahit Thank you?"

Aba! Bwisit talaga ang babaeng ito, walang sumagot sa akin ng ganiyan dito in my whole life as a CEO and owner siya lang.

"You want me to say thank you? Just pay me first?"

"Pay? Sir wala naman akong utang sa inyo hah?"

"Meron."

"Wala akong utang sa inyo Sir, diba kakasimula pa nga lang ng trabaho ko sa inyo."

"Meron kang utang sa akin."

"Sir wala nga.."

Humarap na kaagad ako sa kaniya, but I'm wearing my eyeglasses of course. at gulat na gulat ito nakita ko ang reaksyon at itsura niya.

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon