Chapter 25

469 10 1
                                        

Singing Angel

May isinagawa pang tests ang mga Doctor bago ako pinalabas ng hospital, kinuhanan rin ako ng sample ng bone marrow, kumuha din sila ng dugo ko bukas daw kailangan kong magpunta ulit sa hospital para sa follow up check-up at malaman na rin ang resulta ng mga tests. Kasama ko ngayon si Devon nagpasama ako dito sa mall para tumingin ng mga wigs, kailangan kong magsuot ng mga ganoon dahil wala na akong buhok sa tuktok. Panot na ako happy ka na?

Nagkukwentuhan kami at hindi ko naman maiwasan na hindi tumawa dahil sa mga jokes niya, minsan pa bumabanat ng mga corny lines sinasakyan ko na lang kunwari kinikilig ako pero 'yong totoo gusto ko na siyang sakalin.

Kwinento pa niya na muntik na siyang makapatay ng pasyente niya dahil over dosage ang ibinigay niyang gamot. Ipinagmayabang pa niya sa akin na habulin daw siya ng mga nurses at kahit pa may edad ng Doktora ang sabi pa niya kung hindi ko raw siya babalikan aasawahin niya na 'yong nurse na nanliligaw sa kaniya. Sinagot ko naman siya na siguro magkaibigan na lang talaga kami, nakita ko naman na nasaktan siya pero ngumiti din kaagad.

Nakasalubong pa namin si Dave kanina mukhang problemado ang mukha nito. Anong nangyari doon?

"Mahal mo na talaga si Dave ano?" Aniya habang hawak-hawak ang mga pinamili naming wig at blazers kailangan ko kasing takpan ang balat ko sa braso na may sugat medyo masakit pa din siya pero kakayanin ko naman.

"Oo.. Mahal na Mahal.." sa pagsabi ko niyon ay namalayan ko na lang na biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Diba kapag bumibilis ang pagtibok ng puso mo inlove ka? Lalo na kapag binabanggit 'yong pangalan ng lalaking gusto mo? Inlove ako kay Dave? How did that happened?

"Dave is so lucky sana hindi ka niya sasaktan at mas lalong hindi papakawalan."

"Naniniwala naman ako sa kaniya.." pagsisinungaling ko na naman. Hanggang kailan ba itong pagpapanggap namin? Para matapos na lahat ng kasinungalingan namin pareho, wala na si Kylie siguro puwede ko ng sabihin kay Dave na isarado na 'yong deal. Pero ba't ganoon parang ayaw ko. Nakakainis naman hindi ko ma-take na may gusto ako sa sira-ulo at moody na 'yon.

"May nakalimutan ka pala.." singhal niya at may kinuha sa bulsa nito.

"Iyong singsing mo, pinatanggal kasi ito bago ka operahan itinago ko muna.." iniabot niya sa akin 'yong singsing. Isinuot ko naman ito, 'yong couple ring namin ni Dave.

"Salamat.."

"Ihahatid na kita sa condo mo para makapagbihis ka, Tutal nakapag-lunch na tayo kanina. Tawagan mo na lang ako kapag may sumakit sa'yo okay?"

"Ok Devon thank you."

Ngumiti lang siya at inalalayan na ako papasok sa kotse niya. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa tapat ng condo building.

"Basta 'yong bilin ko sa'yo Chavy okay? Huwag matigas ang ulo lalo na't wala ka pang buhok sa tuktok." pang-iinis niya, okay na eh akala ko sincere na 'yong pagpapaalala niya. Sakalin ko kaya siya gamit 'yong stethoscope niya?

"Oo Dede." ganti ko sa kaniya Dede kasi ang palayaw nito.

"Sige mauuna na ako, hinihintay na ako ng mga chicks.." nakangisi niyang sabi.

"Hinay hinay lang hindi ka mauubusan ng donut" sambit ko at tumawa pa, kumunot naman ang noo nito.

"Sige na baka mahalikan kita mahirap na baka bugbugin ako ng Dave mo bye!" Pinaharurot na nito ang kotse niya, wreckless driver na talaga 'yan si Devon dati pa.

Pumasok na ako sa Condo ko. I miss my home, humilata muna ako saglit sa sofa bago napagdesisyunan na magbihis. Hindi pa ako puwedeng maligo. Bawal pa daw.

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon