Chapter 10

447 13 0
                                    

Holding Hands

Bago ako pumasok sa opisina pumunta muna ako sa HM Academy school ko noong elementary ako, may kaibigan kasi akong teacher doon si Lanie best friend ko 'yon since elementary hanggang ngayon, pero madalang na lang kaming magkita bukod sa busy ako, busy rin siya dahil may anak na siya.

Manghihiram kasi ako ng pera sa kaniya, next week na ang operation ko kailangan na kailangan ko na talagang maoperahan.

I have a brain tumor, a benign brain tumor called craniopharyngiomas they are typically benign, but are difficult tumors to remove because of their location they're near critical structures deep in the brain, they usually arise from a portion of pituitary gland, and pituitary gland is the structure that regulates many hormones in the body, so me as a patient will be requiring some hormones. Though the tumors are still benign they need to stop it from a rapid growth it is classified as least agressive but they need to do the operation as soon as possible.

Nang malaman ko ang kondisyon ko doon nagbago ang lahat naging malungkutin na ako, itinigil ko na rin ang pag-iinom, I'm a smoker and a wild drinker before, when my parents found out those bad habits of mine, they pulled out my bank accounts, my car, expensive jewelries and all my luxuries, doon din ako natuto kung paano maging independent.

Nagtrabaho ako umaga hanggang gabi para may pambili ako ng pagkain, pambayad ng monthly sa condo ko, and of course for my medications, walang gamot ang brain tumor tanging Craniotomy lang ang dapat isagawa para tuluyan nang matanggal ang tumor.

Bumibili lang ako ng pain killers kasi palagi ako namimilipit sa sakit ng buong katawan ko parati lalo na ang ulo ko, hindi rine-seta ng doctor sa akin ang pain killer na 'yon binili ko na lang para kahit papaano ay matanggal nito ang sakit at kirot sa buong pagkatao ko.

Walang kasiguraduhan kung makakaligtas ba ako sa operation na isasagawa next week pero, naniniwala ako kay God na gagabayan niya ako na hindi niya hahayaang mamatay ako lalo na't napakabata ko pa, kung mamatay naman ako tanggap ko na at napaghandaan ko na rin.

Walang nakakaalam ng sakit ko kung hindi ako, at ang sarili ko, ano namang pakialam ng mga magulang ko sa akin diba? I'm sure magiging masaya pa sila kapag namatay na ang kaisa-isa nilang anak na nagdulot ng matinding kahihiyan sa angkan namin.

Tumigil ang pedicab na sinasakyan ko sa tapat ng gate, Mahal ang taxi pedicab lang ang afford ko, ang laki na ng pinagbago nito, modernization is really great.

Pagkatapat ko sa gate pinigilan ako ng isang guard I.D ko raw hindi naman ako student dito ha? Kaya ayon pinakita ko na lang ang Valid I.D ko pinapasok din niya ako kaagad, inilibot ko ang aking tingin sa paligid ang ganda talaga, dahil alam ko ang faculty ni Lanie hindi na ako mahihirapan na maghanap, Grade six math teacher siya, matalino siya sa math simula elementary hanggang higschool sa kaniya ako nangongopya, medyo mahina ako sa numbers pero natuto rin naman ako.

Kinatok ko ang pintuan ng faculty niya.

"Pasok" saad niya kaya pumasok ako kaagad, nang makita niya ako agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Chalvea miss na miss na kita.." usal niya.

"Ako din miss na miss na kita." tugon ko.

"May iku-kwento pala ako sa'yo maupo ka." pag-aaya niya sa akin umupo din naman ako sa upuan sa harapan ng desk niya.

"Ano 'yong iku-kwento mo? Chismis ba 'yan?" tanong ko.

"Hindi ano ka ba! Last year pa may nagtatanong sa aming lahat na teachers dito isang lalaki na parating naka-black ang buong kasuotan, mukhang agent, tinatanong niya kung may kilala daw ba kaming Chavy, inisa-isa niya kami pero ang sagot ko wala, siyempre diba ayaw na ayaw mo na maraming nakakakilala sa'yo?" salaysay niya.

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon