Konichiwa
"Oy buwisit ka talaga Dave akin na 'yang jacket ko ang lamig!" bulyaw ko sa kaniya habang papalabas na kami ng airport. Konichiwa! Nandito na kami sa Japan. Sobrang lamig tapos inagaw niya pa 'yong jacket ko nakakinis siya.
"Ibibigay ko lang ito kung sasabihin mo 'yong rason kung bakit ka umiiyak kanina sa loob ng eroplano, hindi ka na tuloy mukhang angel, mukha ka ng panda ang laki ng eyebags mo tapos nangingitim pa ang ilalim ng mata mo" wika nito na parang bata na nagtatampo. Teka nga lang! Kailan pa naging concerned sa akin ang lalaki na ito?"
"Wala nga naiiyak lang sa ako sa pinanood kong movie kagabi." pagsisinungaling ko sa kaniya. Sometimes you also need to keep the problem with yourself hindi lahat ng problema kailangang i-share.
"Nandito tayo sa Japan okay? Bukas pa magsisimula ang meeting ko with the investors kaya mamamasyal muna tayo." sabi niya. Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kaniya.
"Uyyy! 'yong girlfriend ko sobrang saya." pang-aasar niya kaya binatukan ko siya. Yep! Ganiyan na kami ka-close ni Dave ngayon parang mag-tropa na lang kahit ilang linggo pa lang ang nakaraan nang magkakilala kami.
"Aray ko naman! idedemanda talaga kita pag-uwi natin sa Pilipinas, nagmukha na akong battered husband sa ginagawa mo, ang hirap mo pang suyuin nakakatampo ka ng kawayan ka." pagtatampo niya at tinalikuran ako.
"Oy sorry na!" Nakanguso kong sambit habang kinakalabit siya sa balikat.
"Ayaw ko!" matigas na sigaw niya.
"Edi huwag! Akala mo naman susuyuin kita geh, mauuna na ako sa hotel ah? Mamasyal ka mag-isa mo matutulog na lang ako." padabog akong naglakad pero bigla niya akong hinila at napayakap ako sa kaniya.
"Sige na ako na may kasalanan sorry na" pagsuko niya kaya napangiti na lang ako.
"Magagalit si Cheska tumigil ka." pagbabanta ko sa kaniya humiwalay siya sa yakap namin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Wala na kami, alam mo kung bakit? Tama siya nahulog na nga ako."
"Ha? Bahala ka nga mukha kang bakla!" inis kong sagot sa kaniya at nauna ng sumakay sa sasakyan na naghihintay sa amin sa backseat kami pareho umupo.
Nakahalukipkip lang ang mga braso ko habang siya nakatingin sa akin umiirap naman ako. Mayroon ako ngayon kaya sobrang sungit ko. Nagulat lang ako na hiwalay na pala sila ni Cheska kailan pa? Diba masaya naman sila? Bakit at Paano nangyari? Nambabae siguro si Dave.
"Chalvea" tawag niya sa akin.
"Oh bakit?"
"Wala pa lang 30 ang February, so we'll celebrate our monthsarry sa last day rin ng February which is February 28."
"Dave hindi na natin kailangan ng celebration okay? Hindi totoo 'yong tayo walang tayo." pagsalungat ko, ilang araw ko na ring tinatanong sa kaniya kung bakit hindi pa rin niya tinatapos ang deal, siya naman pala ang hindi tutupad sa napag-usapan. Hindi ko gustong mawalan ng trabaho dahil kailangan ko rin ito para sa pagpapagamot ko, chemotherapy na lang ang tanging magsasalba sa buhay ko.
One week had already passed simula nang makumpirma ng Doctor na may Stage 2 Acute Myeloid Leukemia ako chemotherapy ang isasagawa baka sakaling ma-control pa daw ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ko. Umiyak ako ng ilang Gabi at araw hanggang ngayon gusto kong umiyak sobrang sakit. Akala ko tapos na ang pagpihihirap ko pero may mas malaking dagok pa pala ang dumating sa buhay ko, Sana kayanin ko naniniwala ako sa kaniya na pagagalingin niya ako.