The Start
15 years later,
"Ms. Abalos, I didn't expected that you will not properly maintained the effective records and administration. You don't keep up-to-date the contact details, names, addresses and telephone numbers for the management committee, and ordinary members of the organisation? Even filing minutes and reports?
Compiling names and addresses that are useful to the organisation, including those of appropriate officials,or officers of voluntary organisations? You don't even take note of that? A simple job for a secretary, yet you failed?" Mainit na tanong niya habang nakahawak sa sentido, nakatayo naman ang sekretarya nito sa harapan ng kinauupuan niyang CEO desk hinihintay ang paliwanag ng sekretarya habang kalmado ang binata na naka-upo sa swivel chair nito.
"You're Fired!" Malakas niyang sigaw at umalis ng opisina.
You wanna know kung bakit niya agad sinesante ang sekretarya nito? Simple lang bukod sa hindi nagpaliwanag ang sekretarya, nahuli pa niya itong wala sa hustong huwisyo na nakatitig sa kaniya and he really really hate that.
Nakaka-sampung palit ng sekretarya ang kompanya nito sa loob lamang ng isang buwan. Strikto ito sa pagpili ng kaniyang magiging sekretarya, sa limang daang sumubok na mag-apply isa lang ang napipili at hindi pa ito sigurado sa pinili niya.
"Good Morning Sir." bati ng mga empleyadong nakakasalubong nito.
But he never answered nor greeted them in return, gano'n na talaga siya, hindi masyadong nakikipag-usap. he just normally walked towards his company's elevator.
Madaming nakasakay sa elevator ngunit nang makita nila ito lumabas silang lahat, at tanging siya na lang ang sumakay sa elevator pababa.
May meeting pa kasi ito sa mga business partners niya. at bukas na bukas din ay aasikasuhin na naman niya ang mga mag-apply sa kompanya nito. Nawa'y may magtagal na sa posisyon sa kompanya bilang isang masugid na tagasunod at mabuting sekretarya.
---
"Isang daan na lang ang pera ko hanggang biyernes?" Nanghihina at malungkot niyang tanong sa sarili nang makita ang laman ng pitaka.
"Kung saan-saan na akong kompanya nag-apply, unang tanong pa lang nila bagsak na ako."
Ikaw ba naman tanungin ng. Where do you see yourself five years from now? Siyempre ang sagot ko. "I can see myself five years from now laying on a five star hotel bed with my boss" diba gano'n naman talaga? Palaging nagkakatuluyan 'yong boss at secretary? Kahit sa libro at pelikula?
Kasalanan ko bang assumera ako? Na malawak ang imagination ko? Libre kaya mangarap siyempre pangarapin mo na, na makatuluyan 'yong boss mo. Sa lahat naman kasi ng kompanyang pinuntahan ko ang gagwapo ng mga CEO. Paanong Hindi ko maiwasang mangarap.
Saglit siyang napatigil sa isang limang palapag na gusali, nakita niya ang nakadikit na malaking papel sa kinauupuan ng mga security guards.
"We're urgently hiring for Company's Secretary, bring your bio data's and prepare yourself tomorrow for the interview"
Abot langit ang ngiti ng dalaga pagkatapos mabasa 'yon.
"Bukas ulit, aayusin ko na talaga sagot ko." hindi na ako titingin sa CEO ng kompanyang a-applyan ko, para hindi ako madala sa kagwapuhan at karisma nito. Pagsasabi nito sa sarili.
Lumapit ito sa kinaroroonan ng mga guwardiya.
"Mga boss pwedeng magtanong?" aniya.
"Sige po Ma'am ano 'yon?"
"Guwapo ba 'yong CEO dito? O di kaya'y maganda?" She sarcastically asked.
