Good Night
Pagkahatid sa akin ng Boss ko dito sa Condo ko, nagpaalam na din siya kaagad dahil may paperworks pa siyang gagawin, ba't naman siya mag-i-stay dito kung sakali diba?
Ba't parang ang tamlay tamlay ko ngayon, bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at humarap sa whole body mirror dito sa loob ng condo ko.
Ang laki ng eyebags ko, tapos sobrang putla ko na naman, nag-take naman ako ng mga meds ko pero bakit ganito ang putla ng buong katawan ko.
Sobrang gulo pa ng buhok ko kinuha ko ang suklay na nasa tabi ng salamin at sinimulan kong suklayin ang buhok ko.
Right after combing my hair biglang sumakit ang ulo ko, napasalampak na lang ako sa sahig habang hawak ang ulo ko umaatake tuwing gabi ang sakit ko at wala akong ginagawa kung hindi umiyak at hintayin hanggang humupa na ang kirot, pinipikit ko na lang ang aking mga mata dahil nandidilim din minsan ang paningin ko.
Nang mawala na ang sakit dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata tinanggal ko na ang pagkakasabunot ko sa aking buhok. Pagtingin ko sa palad ko. maraming mga hibla ng buhok ko ang nakalagay sa palad ko.
Nagsisimula nang malagas ang buhok ko. My death is near and I'm ready.Tumayo na ako at tinanggal ang suot kong pang office attire dumiretso ako sa banyo para mag-half-bath.
Sobrang lamig ng tubig, while the water coming from the shower is pouring down unto my body, my tears are also streaming down to my cheeks.
Naranasan mo na ba yung habang naliligo ka umiiyak ka? Most painful moments of my life, but now it became my everyday routine, nakasanayan ko na ang araw-araw na pag-iyak sa loob ng banyo.
After taking a bath humiga na ako sa kama. Ito na naman yung feeling na sobrang lungkot mo dahil nag-iisa ka. Blankly staring at the ceiling, different thoughts are exploding inside my head.
Kamusta na kaya sina Mama at Papa sa Europe? Nakakakain at nakakatulog kaya sila kahit sobrang hectic ng business schedules nila? Sana okay lang sila Papa God. I wonder iniisip din nila kaya ako? Like kumain na kaya ang baby Chavy namin ganito ganiyan, siguro hindi na nila ako maaalala.
Na-miss ko tuloy yung pagtawag sa akin ni Mama ng Baby Chavy kahit malaki na ako. Si Daddy naman never niya akong tinawag na anak in my whole damn life and it hurts, it really hurts, Am I an adopted child? Kaya ganoon yung treatment nila sa akin? Pero imposible sobrang kamukha ko si Mama eh. kung ano ano na tuloy pumapasok sa isip ko.
Para maiwasan ang pag-iisip ko ng kung ano-ano, bumangon na lang ako sa kama at nagsuot ng jacket, it's still 7:30 P.M when I looked at the wall clock maaga pa, lalabas muna ako para magpahangin besides maaga naman ako nagigising, maagang nagigising kasi hindi natutulog, hindi pinapatulog ng lungkot.
I locked my condo unit at naglakad na palabas, nandito sa second floor ang unit ko kaya kailangan ko pang gumamit ng elevator. Sobrang lamig ngayon. Tatambay lang naman ako sa pinakamalapit na coffee shop, nagtitipid ako pero hindi naman masyado mahal ang kape nila doon.
While walking on the street a little boy bumped into me. Tumingin siya sa akin mukhang tumatakbo siya, nagmamadali ito.
"Hello I'm sorry little boy bakit ka tumatakbo?" Tanong ko sa kaniya, yumuko ako para magpantay kami.
"Hinahabol po kasi ako ng pinagnakawan ko."
"Alam mo ba little boy magagalit si Jesus kapag nagnakaw ka." malambing na sabi ko.
"Ka-Kasi po Ate wala na akong pambili ng gamot ni Na-Nanay may sa-sakit po kasi siya." nauutal na tugon niya, mukhang nahihikbi na rin siya ngayon.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye (Unedited)
Storie d'amore"In every I love you, there's goodbye."