Chapter 14

421 8 0
                                        

I'm the real one

"Nakakainis talaga 'yong babae na yun kahit kailan biglang sumusulpot at nanggugulo" pagmamaktol ni Dave nandito na kami sa loob ng sasakyan niya, tahimik lang ako na nakatingin sa windshield ng sasakyan niya pero naririnig ko ang bawat salitang binibitawan niya dala ng pagka-irita niya kay Kylie.

"Hey are you okay?" baling niya sa akin na hinawakan pa ako sa balikat.

"Yeah I'm fine" tugon ko at binigyan siya ng pilit na ngiti, bigla ko na namang naalala 'yong sakit at operasyon ko Miyerkules na ngayon at sa Lunes na ang isasagawa ang Craniotomy sa akin. Wala pa akong pera pambayad sa hospital. Saan ako kukuha ngayon ng 200,000? Idagdag mo pa 'yong panlalait kanina ni Kylie na-stress ako ng sobra doon. Ang gaspang ng ugali niya magandang babae pa naman.

"Lahat ng sinabi kanina ni Kylie ay hindi totoo okay?"

"Pati 'yong ano mo daw na mahaba hindi totoo? So you mean maliit 'yan?" Pagbibiro ko sa kaniya para kahit papaano ay sumaya at gumaan ang pakiramdam ko.

"No 'yon ay totoo okay? And huwag mo sanang iisipin na may nangyari sa amin dahil wala ni hindi nga kami nag-kiss eh." nakangisi niyang sagot na kumindat pa sa akin. Anong problema ng lalaking ito? Hindi ko maintindihan ang pag-uugali. Minsan masungit, minsan thoughtful and caring, minsan mabait kadalasan nga lang gwapong gwapo sa sarili gwapo naman talaga siya eh hindi lang guwapo ubod ng kaguwapuhan. Hindi naman siguro masama kung purihin kahit isang beses lang si Dave ano?

"Huwag ka ngang kumindat at ngumisi diyan akala mo bati na tayo nagtatampo ako sa'yo iniwan mo ako kanina sa mall." pagtatampo ko habang nakanguso pa. Lately napapadalas na ang pagnguso ko. Anong problema ng bibig ko ba't nguso siya ng nguso?

"May patampo-tampo ka pa diba sabi ko hindi kita susuyuin?"

"Bakit may sinabi ba akong suyuin mo ako? Hayaan mo na lang akong magtampo hanggang sa magsawa ako."

"Okay fine I'm sorry Chalvea ko.." pagsuko niya. At diniinan pa niya talaga ang pagkakasabi nito sa Chalvea ko, parang bata na nagmamakaawang bigyan ng lollipop. Naramdaman ko naman ang pagtibok ng tangang puso ko. Ano na naman bang ibig sabihin ng Pagkislot thingy na ito?

"Che! Chalvea mo mukha mo nagtatampo pa rin ako sa'yo" pagsusungit ko sa kaniya wala akong pakialam kung boss ko pa siya.

"Where's the ring?" tanong niya. Oo nga pala saan ko nilagay 'yong maliit na box na kinalalagyan ng singsing? Hindi ko maaalala makakalimutin na talaga ako. Epekto ba ito ng tumor sa utak ko?

Kinapa ko naman ang bag ko pero wala doon, saan ko nga pala 'yon nilagay? Oha! Naalala ko na.

"Dave talikod ka muna" utos ko kay Dave na naghihintay pa rin ng sagot kung saan ko nilagay ang singsing.

Nang nakatalikod na siya kinapa ko sa loob ng bra ko 'yong singsing. Bakit ba dito ko naisipan itago eh? And besides kapag nagpupuslit ako noon ng yosi sa loob ng bra ko nilalagay. Hindi ko pa sinasabing humarap siya pero bigla na lang siyang humarap nakita niya tuloy ang pagpasok ko ng isang kamay ko sa bra ko.

"What the- anong ginagawa mo?" gulantang niyang sabi at saka tumalikod ulit, nakita ko pa ang paglunok niya ng ilang beses dahil taas baba ang adams apple nito.

"Oh ito na 'yong singsing sa loob ng bra ko nilagay." ani ko kaya umayos na siya ng upo. Inilahad ko sa kaniya ang box ng singsing tinignan niya ito at nag-aalangan pa kung tatanggapin ba niya.

"Alam mo Dave mabango boobs ko kaya don't worry.." paniniguro ko.

"May boobs ka pala.." he chuckled

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon