Under the Sunset
"Our company has been standing out for the past years, we've been encountered a lot of struggles that test how strong we are, surpassing them all with the help of my employees and to those who believe on us, our company is our treasure no matter what happens we believe in ourselves and we believe in our company. Thank you." kasabay ng huling linya na binitawan ni Dave ay ang palakpakan ng mga Japanese clients at investors.
Ngumiti lang ito may kaunting discussion pa silang ginawa bago nagpaalam si Dave at lumabas na kami ng kompanya professional ang asta namin ngayon dahil hindi naman puwede na magbangayan kami sa harapan ng mga clients at investors diba? Nauuna siyang maglakad at nakasunod lang ako sa kaniya.
Nang makalabas na kami ng building hinintay niya ako at sabay kaming naglakad papasok sa sasakyan. Nakakunot ito ng noo at alam kong sa ganiyan na itsura niya ay may problema siya.
Tahimik pa rin kami habang binabaybay ang restaurant na kinainan namin kahapon doon kasi ang napagdesisyunan naming puntahan kapag natapos na ang meeting, lunch na rin kasi and actually late na kaming kakain ng lunch it's already 2:30 P.M. pinagmasdan ko si Dave abala ito sa cellphone niya at may ka-text dahil kada minuto ay nagta-type siya. Hindi na talaga ako sanay sa ganitong set up na bigla na lang kaming hindi nag-uusap ang sakit sa heart.
Sumandal na lang ako sa upuan at pinagmasdan ang dinaraanan namin ang ganda ganda ng Japan no wonder isa siya sa nakalista sa bucket list ng marami. gusto ko kaya na tumira dito kung may pera lang ako. Ibinigay naman na ni Dave 'yong incentives na nakuha ko sa deal namin pero kalahati lang dahil nga nagasgas ko 'yong koste niya okay na 'yon kaysa naman wala.
"Chalvea?" tawag niya sa akin, bumalik ako sa hustong huwisyo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Para na naman akong nakuryente.
"Hmm?" I muttered.
"Why did you not wear the necklace?" tanong nito sa akin at nakatingin pa sa leeg ko. Parang mas lalong lumungkot ang mukha niya.
"Nakalimutan ko kasi nagmamadali kasi tayo kanina diba? Don't worry susuotin ko na mamaya kaagad pag-uwi natin."
"Good." matipid na sagot niya at hindi na nagsalita pa.
Nakarating kami sa restaurant pareho din 'yong inorder namin sa inorder namin kahapon. Nabitin din raw si Dave doon ang sabi pa niya'y mukhang tataba daw siya pag-uwi niya ng Pilipinas, hindi raw siya makakapag-gym rito dahil puno ang schedule ng meetings niya.
Nainis pa nga siya at parang gustong manuntok nang sinabihan ko siya na feeling may abs. Dahil ang totoo naman daw ay may six packs abdominal muscles siya. Ipapakita niya pa sana kaso sinikmuraan ko siya at tumakbo ako palabas ng hotel.
Tahimik lang kami habang kumakain iba talaga ang awra niya ngayon. Ba't di kasi siya mag-open sa akin? Good listener naman ako ah.
"Chalvea tikman mo ito masarap." sabi niya sa akin may noodles 'yong chopsticks niya. Sa lahat ng pagkain dito 'yang noodles ang gusto niya ako naman hindi ko masyadong ginagalaw 'yong noodles ko.
Ngumanga na lang ako at isinubo niya sa akin 'yong noodles.
"Taste good right?" tanong niya sa akin at ngumiti. Gusto kong nakikita na nakangiti siya palagi.
"Yes ito naman tikman mo pansin ko lang ayaw mo nito eh." suhestyon ko sa kaniya ayaw niya kasi sa lobster ako lang ang umorder nito favorite ko eh.
"Sige na nga." pagpayag niya at isinubo ang ang lobster na nasa chopsticks. Napatingin pa siya sa akin habang sinusubo ito. God! Huwag mo akong tignan hindi ko kaya. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. I think this is the right time to ask this question. Ilang gabi na rin akong binabagabag nito.