Failure
Natapos ang araw na panay daldal lang ni Drake ang narinig ko, lalaki ba talaga siya? Daig pa niya babae kung pumutak. Nakikinig na lang ako saka na lang ako sumasagot kapag may tinatanong siya. Pansin ko hindi rin maingay at madaldal si Cheska panay pa ang pulupot nito sa katawan ni Dave. Akala mo naman aagawin.
Nang bandang alas tres nagpatawag pa si Dave ng board meeting kaya nakasunod lang ako sa kaniya nag-discuss lang siya about sa Japanese investors at magiging ka-partnership nito. 'yon lang at na-dismiss na rin nagsibalik na sila sa kanilang trabaho. Nagpaalam sa akin si Dave na may pupuntahan daw sila ni Cheska kaya hindi niya na ako maihahatid. Si Drake na lang ang inutusan niyang maghatid sa akin. Pumayag naman ito.
"Hey bakit ang tahimik mo?" Ani Drake na binuhuhay ang makina ng sasakyan niya pasado 5:00 na nang lumabas kami ng building.
"Wala lang may iniisip lang" tugon ko
"Huwag mo siyang iisipin okay? Kasama niya ang Girlfriend niya"
"Ha? sino?" nagtatakang tanong ko.
"Si Dave iniisip mo siya ano? Huwag ka ng tumanggi" ismid niya at ngumingiti pa. Bading ba siya? At anong pinagsasabi nitong iniisip ko daw si Dave? Iniisip ko lang naman kung saan ako kukuha ng 200,000 dahil Huwebes na bukas.
"May iniisip ako tama ka pero hindi siya why would I think of him by the way?"
"Akala ko naman nahulog ka na doon." napakamot pa siya sa ulo pinaandar na nito ang sasakyan niya. Iniisip niya bang nagugustuhan o di kaya'y magkakagusto ako kay Dave?
"Mali ka ng akala wala akong ibang gagawin kung hindi sundin ang pagpapanggap kagaya ng utos niya."
"You're doing it for money right? I'm sorry to insult you."
"Yeah you're right call me a gold digger but I'm not just doing it for money, I'm doing it for myself.." saad ko at nagpakawala ng isang ngiti. Iniisip nila sigurong mukha akong pera, oo na desperada na ako pagdating sa pera pumayag akong magamit dahil gusto ko lang namang gumaling. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.
"I'm sorry" paghingi niya ng paumanhin pero tumango na lang ako. Binuksan ko ang cellphone ko agad kong pinindot ang playlist, ipinasak ko ang earphones sa tainga ko. Music is my escape in this world full of sadness and pain. Now Playing Sober by Demi Lovato. Nakasandal lang ako sa upuan habang nakatingin sa windshield. Malayo na naman ang nilalakbay ng isip ko.
Naliligaw na naman ako sa lugar kung saan puro kalungkutan ang nakapalibot sa akin. Kailan kaya ulit ako magiging masaya? Kailan kaya ulit ako makakangiti nang hindi pilit at hindi huwad?
Nasa kalagitnaan ako ng pagsa-soundtrip nang biglang message na nag-pop.
From Dave: Nakauwi ka na?
Replied: on the way pa lang.Wala pang isang segundo ay nakapag-reply na siya.
"Okay mag-iingat kayo"
Replied: Ok.Inilagay ko na lang ang cellphone ko sa loob ng aking bag. pero patuloy pa rin ako sa pagsa-soundtrip hindi ko narinig ang pag-imik o maski paghinga man lang ni Drake. Thank God kahit papaano gusto ko na katahimikan.
Tumigil ang sasakyan ni Drake sa harap ng building kung nasaan ang Condo ko nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank you" saad ko at nginitian siya this time totoong ngiti na but mixed with a little bit sadness pa rin.
"You're welcome, sorry pala kanina ah?"
"Hindi okay lang 'yon ano ka ba mag-iingat ka pauwi okay?" Paalala ko sa kaniya.