Chapter 16

404 12 0
                                    

Love triangle

I woke up early in the morning it's still 4:30. hindi kasi ako nakatulog kagabi alam niyo na kakaiyak. Ikaw ba naman ang sabihan ng malandi, kahihiyan sa pamilya at hindi ka nakakatulong at makatutulong pa.

Painful words coming from my own Dad. Siguro kailangan mo na lang sanayin 'yong sarili mo sa sakit kasi kapag sanay ka na magiging matigas ka na hindi ka na masasaktan diba? Tapos iniisip ko pa kung saan ako kukuha ng 200,000 para sa operasyon ko at kung makakaligtas ba ako sa operasyon ko.

At isa pa sa rason kung bakit ako hindi nakatulog kagabi alas onse na nang umuwi si Dave nag-kuwentuhan pa kami as usual nag-asaran, nagkapikunan, tapos sa huli siya din ang sumuyo mukha niya kung ako ang susuyo. Close na close na kami kaagad ni Dave ano? Ewan ko din kung bakit baka magic siguro, nakakaasar siya honestly nang una naming pagkikita masungit palaging nakakunot noo tapos ang sama pa magsalita. Pero ngayon madalang na siyang magsungit. Ako naman ipinapakita ko sa kaniya 'yong totoong ugali ko.

Lalayuan ko ba siya kagaya ng sinabi ni Dad? Matagal na palang naplano 'yong engagement nila ni Cheska. Kakabalik lang daw ni Cheska dito kahapon sa New York daw ito nag-s-stay sabi ni Drake. Lilinawin naman siguro ni Dave sa Business World na pagpapanggap lang ang ginawa namin. Ano kayang reaction ng parents niya ano? Si Cheska kasi alam niya na pinaliwanag ito no Dave una pa lang.

Bago ako bumangon ay nagdasal muna ako nagpasalamat kay God na ginising pa rin ako ngayong umaga.

Naligo na ako at pagkatapos niyon ay pinainit ko na lang 'yong take out kagabi tapos kumain na. Ilang taon na rin akong mag-isang kumakain nasanay na ako. Habang sumusubo, napadako ang  aking tingin sa kamay ko kung saan nilagay ni Dave ang singsing.

Tatanggalin ko ba ito kung matatapos na 'yong deal? diba aalis na ako sa buhay ni Dave pagkatapos ng deal? Huwag sayang naman kung itatapon ko itong singsing iki-keep ko na lang para kapag nakikita ko ito maaalala ko siya may side din kasi siyang mabait.

I heaved a deep sigh bago lumabas ng condo ko. New day, new pain. Nararamdaman ko na naman ang pagsakit ng ulo ko at katawan ko mamaya ay aatake ito ganoon na kasi ang palaging nangyayari kaya uminom ako ng pain killer baka sakaling maibsan o kaya naman mawala ang sakit. Habang tumatagal mas sumasakit.

Paglabas ko ng building napamulagat ako sa nakita ko as in 'yong nakikita ko ngayon. Anong ginagawa ng sira ulo at manloloko na ito ngayon kay aga-aga? Bubwisitin ba nila ako? 'yong isa nakasuot ng business suit at naka shades pa. 'yong isa naman naka gown pa duty niya siguro ngayon sa hospital.

"Hi Chalvea sabay ka na sa akin"

"Sa akin ka na sumabay Chalvea"

"Hindi sa akin siya sasabay bro."

"Sa akin siya sasabay and don't you ever call me bro, dapat cyst para sosyal!"

"Basta sa akin siya sasabay pre."

"Sa akin nga siya sasabay kasi sekretarya ko siya."

"Eh ano naman kung secretary mo siya? Ex niya ako minahal niya ako dati."

"Dati 'yon minahal is past tense na kaya sa akin siya sasabay dahil bukod sa sekretarya ko siya, ako ang bagong boyfriend niya diba Chalvea?"

Halos magsalitan ang tingin ko sa kanilang ginagawa. Sumasakit lalo ang ulo ko sa kanila.

"Tekaaaaa!! Sandali anong ginagawa niyo dito? At anong nangyayari?!" Bulyaw ko.

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon