Chapter 23

408 10 0
                                    

Hurt

Nang lumabas na si Mrs. Racal doon na ako humagulgol halos maibato ko ang salamin sa nakita kong itsura ko wala na akong buhok sobrang sakit. I'm trying to convince myself that it's okay that I'm always okay but this time I'll tell the truth I am not okay gusto kong may yumakap sa akin at patahanin ako gusto kong sabihin niya sa akin na okay lang 'yan magiging okay ka rin not now but soon pero wala eh.

Napatawa na lang ako ng mapakla. Ilang beses pa bang maduduruog ang puso ko? Durog na durog na ito tapos madudurog pa ulit? Nanginginig ang buong katawan ko patuloy lang ako sa pag-iyak. tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking dalawang kamay.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Tinignan ko kung sino yung pumasok. Isang Doctor na naka-suot ng gown may stethoscope pa siya sa leeg dito na pala siya naka-duty?

"D-Devon?" nanginginig ang boses ko umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Huwag kang umiyak please.." pagpapatahan niya sa akin sa sinabi niyang 'yon mas lalo akong umiyak nanatili lang kaming magkayakap humiwalay siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"You're still beautiful kahit wala ka ng buhok sa tuktok." nakangiti niyang sambit kaya hinampas ko siya sa balikat. Naiinis na tuloy ako sa kaniya.

"Devon I'm hurt sobrang sakit na.." basag ang boses kong saad.

"You're a strong woman okay? Kakayanin mo 'yan I am here hindi na kita iiwan this time.." ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.

"But you already have a girlfriend.."

"Ha? Wala akong Girlfriend sino bang may sabi na mayroon?" nagtatakang tanong niya na napakamot pa sa ulo. Ganiyan talaga style niya bigla na lang mapapakamot sa ulo pero sobrang gwapo niya with that look.

"Magsisinungaling ka talaga? Every Sunday ka pa naman nagsisimba kamo pero bakit? Nakita lang kaya kita noong isang araw sa mall magkawahak pa kayo ng kamay ng girlfriend mo.." nakanguso kong tugon bigla siyang tumawa. Really anong nakakatawa doon?

"Hindi ko 'yon Girlfriend she's Derlyn, remember her? 'yong bunso kong kapatid na hindi mo na-meet dahil nag-aaral siya sa LA? Kakauwi niya lang kasi nang last Monday nag-request siya na ipasyal ko daw sa mall then I did it.." he uttered habang hawak pa ang tiyan kakatawa. Okay napahiya ako doon.

"Change topic, dito ka na pala naka-duty kailan pa?" tanong ko sa kaniya.

"Last Friday nilipat ako dito nangangailangan daw kasi sila ng isa pang pediatrician kaya ako na lang ang nag-volunteer, na lumipat dito kaya permanent resident na ako rito.."

Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot ayaw kong tignan siya nahihiya ako dahil pakiramdam ko ang pangit ko dahil panot ako.

"Bibili lang ako ng pagkain mo okay? babalikan kita kaagad.." sambit niya and he patted my shoulder before he stand.

"The last time you told me you'll come back, you didn't, I was there waiting for you, and I've waited in vain for nothing" I said. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Sinubukan kong bumalik, pero pagbalik ko bumitaw ka na.." he answered bago umalis. May hugot scene na nga kami dito pa sa ospital? Pero at least kahit papaano nailabas ko 'yong isang tanong na 'yon kung bakit niya sinabi noon na hintayin ko daw siya kasi babalik din siya kaagad ako naman na tanga naghintay ng matagal hindi ko namamalayan na may iba na pala siya. Kaya ayon nang bumalik siya sa akin sinabi ko ayaw ko na. Wala na akong planong makinig sa rason niya noon.

I Love You, Goodbye (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon