Girlfriend
Dave's Point of View
I was busy reading the company's reports when someone suddenly push the door of my office, the door knob creaked.
"What is your problem? Kylie ba't ka napasugod dito sa opisina ko?" gulat na gulat kong tanong. dahil halos sirain na ni Kylie ang pintuan ng opisina ko. nag-uusok pa ang ilong niya sa galit.
"Sinabi sa akin ng mga guards sa labas na may girlfriend ka na daw at dito rin siya nagtatrabaho." aniya
Laking gulat ko pagkatapos kong marinig 'yon? Who the hell is my girlfriend, she's talking about?
"Ano namang pakialam mo kung may girlfriend ako? Matagal na tayong tapos Kylie just accept it, leave me I'm busy." padabog ko namang sagot, at napataas pa ang kilay ko sa inis.
"No, hinding hindi ko 'yon matatanggap, diba magpapakasal pa tayo sabi ng mommy at daddy ko?" Pangungulit pa niya.
"Sila lang ang nagsabi, at kahit kailan HINDING-HINDI AKO magpapakasal sa'yo." mas lalo ko pang diniinan ang bawat salita, baka sa gano'ng paraan ay layuan niya na ako.
"Hindi kita titigilan Dave tandaan mo 'yan." usal niya at halatang may pagbabanta ang pagkakasabi niyon.
"Umalis ka na, alis!" I shouted, and she don't have any choice than to leave.
Kylie is giving me real headache, a psychopath tskk!
Kailangan ko na talagang makahanap ng pwedeng gamiting babae para tigilan ako ni Kylie.
Pero ang tanong Sino?
Ba't ba hindi niya matanggap na wala na kami? Siya ang nakipag-break tapos siya ngayon ang naghahabol?
Tskkk! cheap woman and besides tama lang na naghiwalay kami I don't have feelings for her, I just force by my Dad to be in a relationship with her for business sake!
Naisipan kong bumaba pa ng opisina ko para tanungin sa mga guards kung sino yung nagpakilalang girlfriend ko daw.
"Good morning Sir may kailangan kayo?" ani Berting ang pinakamatandang security guard.
"Hmmm, about my girlfriend do you know her?" I simply asked.
"Opo sir. Si Ma'am Cha.. Cha..Cha.. Chalvea! Rosales! opo siya nga po." aniya
What si Chalvea nagpakilalang Girlfriend ko? Dumadami na ang atraso sa akin ng babaeng 'yan!
Bumalik ulit ako ng fourth floor, mapuntahan nga ang babaeng 'yon sa opisina niya.
"Sir Good morning do you need something?" Bati niya sa akin pagkapasok ko with matching ngiti pa.
Hindi ko sinagot ang tanong niya, humakbang lang ako palapit sa kaniya, humakbang nang humakbang, siya naman pa-atras ng pa-atras, hanggang sa napasandal at na-corner na siya sa wall ng office niya.
Linapit ko ang mukha ko sa kaniya, konting tulak na lang magdidikit na ang mga mukha namin, nakapikit siya, rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Ang ganda niya pala sa malapitan, pero mas maganda si Cheska. Fudge! Why am I comparing her to Cheska? Anong connect non?
"What did you say you're my girlfriend?"
I whispered in her ears.
"Si..si..Sir so..so...sorry po." mahina niyang sagot at nakapikit pa rin.
"Your apology is not accepted let's make it serious then, be my girlfriend.." bulong ko ulit sa kaniya.
Umalis din ako agad ng opisina niya, pagkatapos sabihin 'yon.
---
Chalvea's Point of View
"Be my girlfriend?" nagbibiro ba si Sir?
Naka-high yata siya? ako girlfriend aba! iba din ang pag-iisip.
'di pa siya nagalit kahit pinangalandakan kong girlfriend niya ako?
Dapat "you're fired" na agad ang sumalubong sa akin kanina.
Pero ba't parang gustong gusto pa niya?
Chalvea! Huwag kang mag-assume joke lang niya 'yon
Hinarap ko na lang ulit ang laptop at nagsimulang i-review ang na-receive kong agenda items from committee members, nang bigla kong maalala na kailangan ko pang dalhin sa opisina niya at basahin sa harapan niya ang whole schedule niya for the day, magkalapit lang naman ang opisina namin, hindi ko na kailangan pang sumakay sa elevator.
When I was in front of his office door, I took a deep breath, before knocking.
I knocked the door three times.
"Come in.." he said
Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko siyang nakahawak ng isang picture frame at nakangiti ito. Nang makita niya na akong palapit sa kaniya, nag-atubili siyang ilagay sa drawer ng table niya ang picture frame. Ano kaya 'yon? May tinatago ba siya sa picture frame at gano'n na lang ang takot at gulat niya?
"Okay read my schedule for the day." aniya.
"9:00 A.M- 12 noon you will be having a meeting with the clients."
"12noon-2:00 P.M you'll be having a briefing with the company's stake holders "2-00 P.M to 5:00 a meeting with your American business partners. that's it Sir." sabi ko.
"Cancel all my meetings and activities today, let's have a date." buong loob niyang sabi.
"Date Sir?" Napatanong na lang ako sa gulat dahil, hindi ako makapaniwalang inaaya niya akong makipag-date.
"Yes date, let's go." muling saad niya at nauna nang maglakad palabas ng opisina.
Naiwan akong nakatayo at nawala sa hustong huwisyo, nababaliw na ba ang boss ko? he asked me Impromptu for a date? Ni hindi man lang niya tinanong kung papayag ba ako?
"Why are you still standing there? we'll be late for our date." aniya habang nakatayo sa pintuan at handang handa na talaga sa date namin. Kina-career niya talaga 'yong date niya eh.
Nagtungo kami kaagad sa parking lot ng ng kompanya niya.
"Sakay." utos niya sa akin.
Sumakay naman kaagad ako mabilis siyang magpatakbo ng sasakyan na animo'y may siyam siyang buhay, mag-didate ba kami or out of town?
Dalawang oras na kaming nasa biyahe, ako nakasandal lang sa upuan ng sasakyan niya, nakasaksak ang earphones sa tainga ko kasabay ang nakahiligan kong malakas na sound trip.
Nagtaka na akong dahil apat na oras na kaming nasa biyahe ay hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin.
"Sir saan po ba talaga tayo pupunta?" I asked him.
"We're going to a private place, my place." he answered.
Hindi na lang ako nagtanong ulit baka kasi mamaya dalawin na naman siya ng pagiging suplado nito. Tanaw na tanaw ko ang mga bulubundukin habang nakadungaw ako sa durungawan ng kotse niya, habang nilalanghap ang preskong simoy ng hangin.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako buong biyahe.
