Home
"Cha mag-iingat kayo doon okay?" pagpapaalala sa akin ni Jen.
"Jen, ito na 'yong last na pagkikita natin mamimiss kita ah? Don't worry babantayan kita kapag nasa langit na ako."
"Naiiyak na naman ako Cha, malay natin magkahimala 'yong 1 week maging 1 year pa o di kaya humaba pa." nanginginig na sambit nito agad ko siyang niyapos ng mahigpit.
"Diba sinabi ko naman na sa'yo 'yong magiging address namin ni Chave sa Pilipinas? Kapag nakauwi ka na sa atin dalawin mo ako sa bahay okay? O di kaya naman sa isang address na ibinigay ko sa'yo 'yon yung bahay ng mga magulang ko, huwag mong kakalimutan na magdala ng white roses kapag dadalaw ka sa puntod ko maliwanag?"
I tried to control and hold my feelings inside but I failed I burst in tears again. Tanggap ko naman na 'yong kapalaran ko. Kung isang linggo na lang ang nalalabi sa buhay ko ibubuhos ko 'yon sa mga taong minamahal ko. I need to go back to my Home. Philippines.
"Lalaban ka diba?" pagpapatahan niya sa akin at hinahaplos pa ang likod ko.
"Susubukan kung may pag-asa pa, salamat talaga Jen. hindi kita makakalimutan kahit saan man ako mapadpad, sana makauwi ka na sa Pilipinas this year, mag-iingat ka parati ha?"
"Oo mami-miss ko talaga kayong dalawa ni Chave."
"20 minutes na lang flight na namin halika na." pag-aaya ko sa kaniya. Siya na ang nagdala ng mga maleta at binuhat ko si Chave dahil nakatulog na ito. Pumunta kami kaagad sa Airport.
"Kaya mo ba talagang bumiyahe?" tanong ulit sa akin ni Jen na hindi maipinta ang mukha.
"Oo naman ako pa."
"Chave mami-miss ka ni Ninang Pretty magpakabait ka doon okay?" baling ni Jen kay Chayve na kakagising lang.
"Yes Tita pretty I'll miss you too. Magkikita pa naman tayo diba? Bilhan mo ulit ako ng madaming cars." Chave giggled. Napairap na naman si Jen. Kasalanan niya din kasi ginawa niyang spoiled si Chave sa kaniya kada sweldo niya ay binibilhan niya ito ng remote control cars.
"Oo na guwapo ka eh kaya bibilhan ka ni Ninang Pretty ng madaming Cars."
"Halika nga Tita kiss kita."
"Sa lips?" tanong ni Jen.
"Sa cheeks lang Tita, si Nanay lang ang puwedeng mag-kiss sa lips ko." singhal ni Chave na tinapunan pa si Jen ng nakakalokong tingin. Si Jen naman nakabusangot.
"Sige na nga sa cheeks na lang" hinalikan naman ni Chave si Jen sa magkabilang pisngi.
"Cha ako din kiss mo." nakangusong sambit ni Jen.
Hinalikan ko rin siya sa magkabilang pisngi nagyakapan kaming tatlo.
"Passengers of flight 326 kindly proceed to your seats." tawag ng Stewardess.
"Tinatawag na kami hanggang sa muli Jen, huwag mong kakalimutan ang bilin ko dalawin mo ako parati."
"Oo na naiiyak na naman ako. Basta lumaban ka 'yang one week na 'yan tatagal pa 'yan."
"Sana pero sige na Goodbye Jen I love you."
"Goodbye Cha! I love you too bestfriends forever?"