The Deal
Dave's Point of View
Habang nasa biyahe kami hindi ko na narinig pang dumaldal ang babaeng ito maski imik wala, saglit kong itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, at pinagmasdan siya.
I won't deny the fact that she's beautiful, I don't know why but my heart beats fast the first time I saw her doon sa carwash, pero nawala 'yon nang ginasgas niya ang bintana at halos sirain na ang pintuan ng sasakyan ko.
Tinitigan ko siya sa mukha, mahimbing pa rin ang tulog niya.Ang payat pala ng babaeng ito? Tapos sobrang tangkad mukha tuloy siyang kawayan, mahilig pa siya mag-heels eh sobrang tangkad na niya.
"Hmmmmm.." ungol niya at parang ngumunguya pa habang natutulog, ang amo ng mukha niya seriously.
Nag-drive na ulit ako, hanggang sa nakarating na kami sa bahay ko.
Malawak at malaking bahay, pinagawa ko sa pinakamagaling na engineer sa Pilipinas, pina-design ko sa pinakamagaling din na Architect sa Pilipinas, pero it's still useless no matter how wide or big it is, I'm still living in this house alone, minsan dumadalaw dito sila Mama at Daddy si Delilah naman kapag may free time siya, hectic palagi and schedule niya, designer kasi ang kapatid ko, maraming mga nagpapasukat, nagpapatahi sa kaniya, celebrities, international icons and even political personalities, halos magkanda-ugaga na siya kakatrabaho, my father even told her to hold one of our company, but she insisted. Malayo daw ang inaral niyang Fashion Designing sa Business Administration.Back to Chalvea yung kagabi sa condo niya. Okay naman actually yung Condo niya kaso may daga! I hate mouse, I have a phobia with mouse!
Noong nasa sala ako ng Condo niya kagabi, I've seen a book and it's so familiar with me pero hindi ko na lang siya ginalaw.Masyado na akong pakialamero kung ganoon. Nakita ko rin ang mga pictures na nakasabit sa walls ng condo niya pictures of her alone from puberty up to now.
Mayroon pa yung marami siyang medals when she's in Elementary, I just can't believe she's smart those recognitions? Certificates medals that's the proof, I'm just embarrassed for what I've said the day before yesterday, Yes I did insulted and underestimated her, nakakaramdam tuloy ako ng kung anong guilt.
Tumingin ulit ako kay Chalvea she's still sleeping, paano ko kaya gigisingin ang babae na ito ngayon?
"Chalvea," tawag ko sa kaniya at tinapik pa siya sa balikat.
"Ms. Rosales." tawag ko ulit and this time inuga-uga ko na siya, pero hindi pa rin siya nagpatinag dahil natutulog pa din siya. Umagang umaga natutulog saan ka naman napuyat kagabi Chalvea?
Wala na akong choice kung hindi buhatin siya, in my whole life siya ang unang babaeng binuhat ko hindi binuhat na parang nagbubuhat ng isang kaban na bigas, I carried her in a bridal style.
Habang buhat buhat ko siya hindi pa rin siya nagigising, idiniretso ko na lang siya sa kwarto ko, malayo kasi ang guests rooms dito, Hindi naman sa nabibigatan ako sa pagbuhat kay Chalvea it's just that Hindi ako sanay at higit sa lahat it's irritating, hindi ako pinanganak para buhatin ang babae na ito.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at iniwan din pagkatapos, kailangan naming mag-usap pagkagising niya yung mga maids ko they're all busy, with the household chores.
Nadatnan ko ang kusinera namin abala sa pagluluto. Ano kaya ang gustong kainin ng babae na 'yon? Bahala na lang siya kung ano 'yong naluto 'yon na lang ang kainin niya, who is she to brag by the way?
While waiting for her to woke up, I sitted on the table with my coffee on the table side, nagbasa muna ako ng magazine dahil nababagot na ako. Ang latest cover ng magazine na ito ay ang extreme close up na picture ng London Eye. Napangiti tuloy ako London Eye, my favorite place on earth.