Special Chapter ll

66.6K 2.6K 557
                                    

Can't get enough of Dashiel and Dreya? Here's another special chapter for you. And definitely the last one. Enjoy! :)

Special Chapter ll

"What diaper to you think is the best?" I asked Zadriel as we walk through the supermarket.

Tulak-tulak ang isang push cart, gumagala ang paningin ko sa mga bulto-bultong diaper na nakadisplay pero hindi ko alam kung ano ang dapat na kuhanin. I have no ideas about this damn products so I asked Zadriel to come with me.

Kung narito lang sana si Mama, siguradong siya ang magiging kasama ko dito. Unfortunately, she's abroad with Papa and they'll be going home next week. Hindi na ata ako makakapaghintay pa ng susunod na linggo.

"Kung ano ang ginamit ng mga anak mo pagkapanganak, iyon pa rin ang ipagamit mo. Hindi mo alam?" taas kilay na tanong niya.

I sighed. "What are you using for Clarisse?"

"Huggies, the gold one. Iyon rin ang sinabi ni Mama. Ano ba ang sa inyo?"

I puffed a breath out and stopped from walking. Huminto kami sa isang estante ng mga diaper na kulay blue ang balot. I am unfamiliar with them so I don't really know what to choose.

"Lampin..." sagot ko, naalala ang suot ng mga bata.

Zadriel glanced at me. "Lampin? We're living in the now, Dash. Bakit lampin pa rin ang ipinapagamit ninyo? Ang dami-dami mong pera kuripot ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Iyon ang gusto ng asawa ko. You must be forgotten that she came from the province. Mas gusto nila ni Nanay Emma ang gumamit ng ganoon kesa sa diaper."

"Do you think if it's more convenient to use these diapers than those clothes? I mean, pagkatapos gamitin ay itatapon na lang at hindi na maglalaba pa."

The same thoughts I have! Mas gusto ni Dreya na gumamit no'n kahit pa alam namin parehas na mas madali kung diaper na lang ang gagamitin ng mga bata. Lalo pa at gusto niyang siya ang naglalaba ng mga lampin na iyon at hindi na iaasa pa sa mga kasambahay na kinuha ko para sa kaniya... para hindi na siya mag-trabaho pa. But those housemaids seems worthless since they don't do anything much in our house.

Ilang linggo pa lang na nakakapanganak pero gusto na agad gumalaw ng gumalaw. Kapag sinaway ay sasabihing kaya niya na. Parang hindi nanganak ng tatlong sanggol na sunod-sunod.

I breathed a sigh. Siguradong pagagalitan ako ni Dreya kapag bumili ako nito pero hindi bale na. Kesa naman mapagod siya sa paglalaba palagi. No matter how much I stop her, she will still do it. She will defy me. At siyempre ako, bilang takot sa galit niya, wala ng magagawa pa.

"I'll get those fucking huggies gold. Just make sure my triplets won't get any rashes." I said and grabbed packs of diapers.

"Would it be my fault? Ako ba ang balat nila?" ungot niya pa na hindi ko na sinagot.

We have already bought things for our babies before Dreya gave birth but I think they're not enough. Kaya naman namili pa ako ng mga bagay na kailangan...

Huminga ako ng malalim. At hindi kailangan.

Nang makauwi sa bahay ay sumama pa si Zadriel dahil ang ibang pack ng diapers ay nasa sasakyan niya. The asshole even asked for some tip for helping me. Naubos raw ang gas niya sa pagsama sa akin. Ayaw niya gumastos at nagtitipid daw siya.

Napailing ako. He acts like we don't own a huge empire. Pinagtitripan na naman ako ng isang 'yon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin. Naabutan ko si Dreya, nakatayo habang hinehele ang isa sa tatlo naming anak. My eyes went to the crib and saw that the two boys are already sleeping. Tanging ang babae na lang ang gising.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon