Kabanata 2

427 180 133
                                    

"Uy!" Kalabit ko sa lalaking katabi ko. Hindi ko alam yong pangalan niya. Sa klase, siya 'yong pinakatahimik, pinakaseryoso at pinakamatalino. Gwapo din. Snob nga lang.

Parang may sariling mundo, alam niyo 'yon? Hindi nakikisama sa agos ng buong section namin. At mas lalong hindi belong sa loob ng klase. Parang outcast.

"Uy!" Tawag ko at muli siyang kinalabit. Nilingon ko sa harapan si Sir Gamunggo, Math teacher namin sa Algebra, na mukhang busy sa chini-check na mga test papers sa ibabaw ng mesa nito. 

Chance ko na para magtanong. Kaso, nadis-arrange yong seating arrangement namin at nagkataong pinaupo  ako ni Sir sa taong-bato na 'to. 

Nilakasan ko na lang ang loob ko at kinapalan ang mukha. Kaysa naman sa ma-zero sa test. Malayo yong mga kaibigan ko sa akin. Nasa harapan sila at ito namang isa kong katabi sa kabila, blangko din ang papel. So, no choice ako.

Nang lumingon siya sa akin ay sinamantala ko na iyon para makapagtanong.

"Pa'no naging x square 'yong number 1?" I whispered as I look into his answer sheet.

Hindi naman niya iyon tinakpan. His forehead creased as he looks at me in the eyes. His eyes were black coal. I felt something unfamiliar in my heart na hindi ko mapangalanan. Ngayon lang kami nag-eye to eye contact. He's really dead serious. Kaya tuloy nagmumukha siyang mature kumpara sa totoong edad niya.

"x + x = x2 " sagot niya sa mahinang tinig.

"Ah..." napatango ako at muling nagtanong para sa number 2. "Eh 'yan. Pa'no naging 3x2 ?" turo ko sa susunod na item.

"3 x+ x= 3x2 ." Maikli at mahina niyang saad. He looks annoyed already. Hindi na kasi siya makasagot sa ibang items dahil sa pang-aabala ko.

"Eh yong-"

"Kopyahin mo na lang. Ang ingay mo." Saad niya bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Iniwan niyang bukas ang test paper niya para makita ko ang mga sagot. Napangiwi ako. 

Ang taong gipit, sa patalim kumakapit. Kaya heto, wala akong ginawa kundi kopyahin na lang ang sagot niya. Thank you Lord talaga. Sobra! 

Thank you sa mabait na seatmate. Hulog siya ng langit kahit na ubod ng sungit. 


Alam kong masama ang pangongopya pero promise, babawi ako sa susunod. Mag-aaral na talaga ako. Ngayon lang 'to.

Nang matapos ang scheduled exams namin for that day, sadya ko talagang sinabayan ang paglabas at paglalakad ni Josef. Yeah. That's his name. Pahapyaw kong nabasa kanina sa itaas ng test paper niya. Muntik ko na nga ding makopya kahit pangalan niya eh.

"Josef..." tawag ko sa kanya. Para kasing hindi niya ako napansin. Kaya hinawakan ko ang tali ng backpack niya. He's close to 6 ft., I guess. Di naman ako pandak. I stand 5 ft and 5 inches. Pero sana all talaga, long-legged. Gaya ng ate kong varsity player sa women's volleyball.

"Are you talking to me?" Nagsasalubong ang mga kilay niya. Mas guwapo pala siya kapag walang suot na salamin. Kadalasan kasi nakikita ko siya with eyeglasses, lalo na kapag nagbabasa ng aklat.

Tumango ako at ngumuso. "Ah, ano. Gusto mong kumain ng lunch?"

"Of course. Four subjects in a row, sinong hindi magugutom?" Namilog ang mga mata ko sa mabilis niyang pagpayag.

Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon