Kabanata 37

145 50 33
                                    

"Hoy, gising na!"


"Napagod ka 'te?"


"Masakit ba? First time?"


Tinabunan ko ng unan ang taenga ko sa sobrang ingay ni Ivana. Pero hindi niya ako tinantanan. O mas effective kung yong bunganga na lang niya ang tabunan ko ng unan? I groaned in frustration. My body aches. Lalo na yong baywang at likod ko.


Dysmenorrhea really sucks. Napatalukbong ako at binalot ang sarili sa makapal at puting duvet. I wanted to sleep some more.


"Puyat na puyat, ah." Dinig kong komento ni Shaza.


Walanghiyang Ivana, tiyak naitsismis na ako pati 'yong kababalaghang nakita niya sa comfort room. Hindi pa rin ako kumilos at nanatiling nakapikit.


"Oh, Sef! Ang aga mo yata? Dee is still asleep. Ano bang ginawa-"


Napabangon akong bigla at binato si Ivana ng unan. Nang igala ko ang paningin ko sa paligid, wala akong nakitang Sef. Shaza and Ivana chuckled. Pinagtulungan pa talaga ako.


"Tss..." Napilitan akong bumangon at magtungo na sa bathroom para makaligo. Mukhang ready na silang lahat for the second day of our tour. Ako na lang ang hinihintay.


Pagkalabas ko ng common bathroom ay tahimik na sa paligid. I took out my outfit for today from my luggage. Lahat ng pinapasyalan namin ay documented for my travel vlog. I'll be sending it to my editor once we're done.


I wore a white turtle neck puff sleeve crop top partnered with zip-off black pants and an ankle-high hiking boots.


I am ready to go out of our hotel room because Shaza texted me that they are waiting for me at the hotel's lobby, ready to check out. Good thing the medicine I took is effective. Medyo okay na ang pakiramdam ko, puyat nga lang.


Nahirapan akong matulog kagabi lalo pa at hindi na kami nakapag-usap ni Sef. Napakunot ang noo ko nang lumabas ng elevator ngunit hindi ko sila mahagilap sa paligid. But I saw Sef approaching with his forehead creased. He was intently looking at me or rather- on my body?


"What's wrong?" 

"What are you wearing?"

Halos magkapanabay naming tanong sa isa't-isa.


"You sure you wanna go out with that outfit?" Nakataas-kilay niyang tanong.


"What's wrong with my outfit?" Inis kong tanong. Hanggang dito ba naman ay may problema pa din siya sa mga isusuot ko?


"I am comfortable with it. I am okay. I feel and look good on it." Rason ko.


Pinaningkitan niya ako ng mata. "I suggest you change."


"Or else ano? Ikaw mismo maghuhubad nito?" Saad ko, reminiscing what happened during our practice for our graduation song.

Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon