Kabanata 5

361 148 117
                                    

"Welcome to the annual Acquaintance Night of Brethren Christian Academy!" The emcee announced with enthusiasm and excitement. Sinundan ito ng masigabong palakpakan. Naghiyawan pa ang mga Grade 12 students.


It's the first Friday night of the first week of the school year. Ginagawa ang Acquaintance Night para makahanap ng bagong friends, ma-build ang camaraderie between the junior and the senior high school students at ma-develop ang social aspect ng bawat mag-aaral. 


This might be helpful to most students. But for me, it doesn't work that way. Grade 11 na ako this year. Mula pa noong Grade 7 ako, sa dami ng acquaintance night na dinaluhan ko, wala akong na-gain ni isang kaibigan. Yong maituturing kong tunay na kaibigan.


Marami akong nakikilala. Maraming nakikipagkilala. Because my surname is Jacinto. Siguro kung hindi ako Jacinto, I'll be the Academy's wallflower. Hindi pinapansin, dinadaan-daanan lang. 


The Jacintos is one of the most influential and powerful clan in the city. Almost every family wanted to do business with my parents and other relatives.


But no one remained as a true friend. Lumalapit  sila kapag manghihingi  ng pabor. Pinapakitaan ako ng kabaitan pero may kapalit  sa huli. It's either to get my sisters' numbers, my brothers' numbers, or to meet and set date with my cousins. Kumbaga ako ang ginagamit nilang bridge.


Hayst. Eh, hindi naman  ako mukhang tulay. Medyo. Kasi nga flat chested, payat, at no curves ako. Akala  ko nga, they really wanted to be friends with me. Kaso kapag hindi nila nakuha ang gusto, wala nang pansinan. That's one of the irony of life. 


At least makakahinga na ako ngayon ng maluwag kasi ang mga kapatid ko ay nasa UNI na. One of the best university abroad for Business, Medicine and Law. Nakapasa silang lahat doon, eh. Ako, alanganin. Baka dito sa BCA na din ako magcollege. No choice ako.


Hindi pa nakakaget-over ang parents at mga  kapatid ko nang  malamang panay bagsak ang exam rate ko sa NCAE noong Grade 9 ako. It gave me a psychological impact. Feeling ko napakabobo ko. Napaka-hopeless. At kawawa. Na baka pati admission test ng BCA, hindi ko maipasa. 


Saan ako pupulutin niyan? Ayokong mag-aral sa mga state universities. Madugo daw ang labanan. Wala nang tulugan. Iniimagine  ko pa lang na tutubuan ng maraming pimples, hindi ko na kaya.


 Maraming professors na pahihirapan ka  at mahilig mambagsak ng mga students. Nakakatakot daw yong recit at buwis-buhay ang mga projects, ayon sa mga naririnig ko. Iniisip  ko pa lang kinikilabutan na ako.


Umiling ako para alisin sa imagination ko ang mga 'di kanais-nais na bagay at itinuon ang pansin sa mga kaganapan sa paligid. Actually, may pacontest din at pakulong inihanda ang program coordinators at organizers. Wala naman akong balak salihan. Nagkasya na lang ako sa panonood.


Maingay  ang buong paligid ng gymnasium kung saan isinagawa  ang "pajama themed party". I am wearing my fuschia pink terno silk pajamas. May headband akong kulay light pink na bunny ears. 


The usual scenario, mag-isa akong nakatayo malapit sa table na nasa pinakadulong bahagi ng gym. Walang  upuan sa paligid  ang mga medyo may kataasang table na nababalutan  ng pastel colored na tela. Unicorn style kasi yong mix ng mga kulay. Ewan kung sinong may pakulo nito. Sa ibabaw nito ay isang slim glass vase na may isang tangkay ng daisy.


Sinadya iyon upang magkaroon ng interaction ang mga students at maiwasang magstay lang sa upuan. The goal for tonight is to meet at least 2 friends from the different grade level, except your classmates.


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon