Kabanata 48

99 49 31
                                    

"Kasalanan ko..." Malungkot na pahayag ni Ladyma habang umiiyak. Nasa boarding house niya kami. Dahil naranasan ko nang maging poor, natanggap ko rin sa wakas na ang lunggang ito ay tinatawag ngang boarding house. 


"Dami naming memories dito." Dagdag pa niya. I pressed my lips in annoyance. Baka kung ano pa ang masabi ko. Pero shemz! Ang daldal pala niya kapag nalalasing. Ginawa ba namang juice yong C2Gin. 


Kasalanan ni Ivana kung bakit namin nalaman ang ganitong uri ng inumin. Yong pinaghalong C2 at saka Gin. Bukod sa mahilig 'yon sa poging lalaki. Mahilig din iyon sa alak. Kasi sabi niya, nakaka-relate daw siya sa alak. Habang tumatagal lalong sumasarap. Eww! Kasuka.


Pero tinanguan ko na lang. Pagbigyan. Broken-hearted, eh. Kawawa naman. Let's be kind to animals. Right now, mukha siyang pandang may dark circles under her eyes mixed with a breed of chihuahua dahil sa short hair niya. Nagpagupit, mga besh! Nagmomove-on daw.


"Kami din naman, ah!" pasinghal ni Ivana. Ako din pero hindi ko ipinagyabang na ang dami -dami din naming memories ni Sef! Napuno pa nga yong diary ko noon. Siyempre, nakiuso lang naman ako.


Where do broken hearts go? 


Dito sa lungga ni Ladyma, umiino- tumatagay. That's the perfect term nang makita kong bote na ang tinatagay ni Ivana.


"Cheers to singlehood!" Itinaas pa niya ang hawak na bote. Napabuntong hininga ako. Ang daming nangyari sa taong ito. 


First, lumabas na ang tunay na nangyari kay Joziah Yasmin Sevilla. She  really died because of sickness. The real Joziah. 


Ngunit ibang tao iyong best friend ni Ladyma. Hindi iyon si Joya na itinuring na bestfriend ni Ladyma. The one who got hit by a car, that's Joya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa namin nahahanap. Nananatili siyang misteryo para sa aming lahat lalo na kay Ladyma.


And about Paco's case, that's a mistaken identity. That happened 2 years ago. At hindi siya ang nakabangga kung hindi ang kuya niya na nagkataong magba-BAR noon. He paid for the sin he did not even committed dahil sa kagagawan ng tatay- 


NO. Scratch that. Walang matinong tatay ang gagawa noon sa sarili niyang anak. He's a devil. Walang puso para ipaako ang kasalanan ng iba sa sariling anak. 


Na-misled si Ladyma sa information na nakuha niya mula sa isang unreliable witness. I mean the man she talks to when she visited the place where Joya's accident happened is old enough and sick with dementia. So she really thought that Paco planned everything and knew about Joya's accident even before they got closer.


And because she's mad, she acted on impulse. And viola! She's reaping the consequences of her actions and decisions. Pinalayas niya tapos hahanap-hanapin niya? Ano 'yon? Siyempre, kaibigan namin siya but it doesn't mean, we'll tell her Paco's whereabout.


"Nasaan ba kasi siya?" Muli niyang tanong. Kung mukhang panda si Ivana. Si Ladyma mukhang tarsier. Pero mas malaki yong eyebags kaysa sa mata. Kulang na sa tulog.


"Somewhere far."


"Gaano kalayo?" tanong niya ulit. Kapag lasing talaga, napakakulit! Sarap nilang pagbuhulin ni Ivana.

Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon