Kabanata 10

314 135 115
                                    

"Wala. Wala. Promise! Feeling ko lang, dapat we should stick with each other kasi-"


"I know you want someone by your side so you won't be too scared from those things."


Napalingon ako sa kanya. He's right. I can never focus on my studies kung lagi akong takot at kinakabahan.


So, I need someone to be with me. If my hunch is right, nagpapakita ang mga spirits sa akin kapag mag-isa lang ako at walang kausap. I have to confirm my hypothesis through this experiment. With Sef's cooperation and help, of course.


Napilitan akong tumango. What's the point of denying it? Mas maganda nang aminin at baka sakaling maintindihan niya.


"You are special. You only need to realize that. You can turn your weakness into your strength." Pahayag niya bago tumayo. Napaangat ako ng mukha para tignan siya sa mata. He's looking down at me.


Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niya.Madalas siyang magbitaw ng mga matatalinghagang pahayag kapag nagkakausap kami. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko.


Is he asking for my hand?


Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niyang naghihintay. Officially friends. So, we're like holding each other's hand. He chuckled, making my forehead creased in confusion.


"Yong sign pen ko." Saad niya habang pinipigil ang pagngiti. Namula ang mukha ko at napatingin sa sign pen na hawak ng isa kong kamay.


Buset! Nakakahiya! Shemay!


Oh, mahabaging langit! Ibuhos mo ang ulan at lunurin ang pagkapahiyang ito! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko in an apostrophic statement.


Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagpatak ng ulan. At nabigla ako nang hawakan niya ang isa kong kamay. Napatayo ako nang hilain niya iyon. Nagpatianod lang ako sa mabilis niyang pagtakbo.


"It's raining." Anas niya habang lakad-takbo siyang hawak-hawak ako sa kamay. Nakatingin lang ako sa likuran niya at sa kamay naming magkahugpong habang kipkip ng isa kong braso ang bag.


Shemz! Umulan nga! Wow, nakisama ang ulan. Napakahusay ng timing. Sana laging ganito. I'm being saved from further embarassment.


But I never thought running under the rain with him seems exciting. A warm feeling tugged my heart despite of the coldness brought by the rain drops.


Bahagyang nabasa ang uniform maging ang mga buhok namin nang makarating kami sa pinakamalapit na shed. Ilang metro pa ang layo bago ang pinakamalapit na building, which is the gymasium.


I looked for my handkerchief inside my bag nang bitawan na ni Sef ang aking kamay. But I can't find it. Mukhang na-misplace ko na naman just like my other things. And that includes my umbrella!


Nagkasya na akong punasan ang patak ng ulan sa mga braso ko gamit ang mga kamay ko.


"Tss! Rich kid pero walang panyo." Komento ni Sef na nasa tabi ko. Mukhang tapos na siyang magpunas ng sarili.


"Ah. Hindi ko alam kung saan napunta. Baka naiwan ko somewhere-"


Hindi ko natapos ang sinasabi nang hawakan niya ako sa braso at iharap sa kanya. "You don't mind using my hanky, do you?"


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon