Kabanata 49

94 50 32
                                    

"Teacher, oh! Ang baboy ni Ivana." Sumbong ko kay Ladyma nang lumapit siya sa mesa namin. 


Inasikaso pa niya kasi ang ilan sa mga bisitang kapwa niya teachers na doon nagcelebrate sa Joya's Haven. I saw Ivana eating like a wanton. Isinubo niya ang malaking portion ng lettuce na may lamang beef strip. 


"Ngaga. Ganiho talga mahmukbang." Rason niya habang ngumunguyang puno ang bibig. Gross! Napaka-PG.


"Oh, halanga?" Pangungong gaya ko sa kanya. Disgusted akong napangiwi. At pa-demure na lang na kumain.


Kompleto kaming lahat. Kasama si Shaza, Cleofe at Jem. Sayang nga at hindi isinama si Sir Saul at Bhabes, yong 7 years old nilang chikiting.


Samantalang si Cleofe, buntis ulit. Anong sabi  nong "AYOKO NANG MANGANAK!" declaration niya last year. Heto at buntis na naman! Scam din 'to, eh. Seryoso?
Siya na very concious sa katawan?


Who would have thought that Cleofe will give up her freedom and will settle for the love of her life?  Sa ama ng anak niya. Kung dati sarili lang niya ang iniisip niya, ngayon ay ibang-ibang na siya. Hay. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.


Ang dami din niyang pinagdaanan. Pero nalagpasan niya lahat ng iyon. I salute her for that. At sana lang, wala ng gulo. She deserves to be happy despite everything that has happened. Naging saksi ako sa lahat ng hirap niya. And I am very proud of her. She's now an amazing mother and a wife.


She was able to give up her "Me-Myself and I" attitude.


"Ikaw, kailan mo balak magbuntis? Paexpire na 'yang ovary mo." Komento ni Cleofe kay Ladyma. Nasamid ako. Kasi naman! Ako din naman, palagpas na ng kalendaryo ang edad. At least, hindi ako nag-iisa. Si Ivana din naman!


"Huwag mong minamadali. May hinihintay yan." pasaring ko. Anytime, Paco will arrive. At sana naman, kung wala kaming happy ending ni Ivana, sana man lang si Ladyma, sumaya sa piling ni Paco.


"Hindiiiiiiii na babalik. Hindiiii na babali- aw!" Pakantang pang-aasar ni Ivana. Lakas talaga ng trip niya. Eh, iniwan din naman siya. Bumalik naman. Kaso ayaw na niyang pagbuksang muli. Tatandang-dalaga na lang daw siya. That's her choice. Wala naman kaming masabi.


Kinatok siya ni Ladyma sa likod ng ulo.
"Alam ko. Huwag kang spoiler!"


"Alam daw. Pero pag nalasing... Hinahanap-hanap kitaaaa....aaaahhh." Pakantang pambubuska ko din.


"Wow. Nagsalita ang may hinahanap-hanap din." Ganting asar ni Shaza para kay Ladyma. Napanguso ako. Kasi minsan feeling ko talaga mas mahal niya si Ladyma kaysa sa akin. Lagi niyang kinakampihan. Pero itinawa ko na lang lalo na nang makitang nagkukulitan na silang lahat.


Parang kailan lang noong sinabi ni Ladyma na ayaw niyang mainvolve sa mga tulad namin. Ngayon, sanggang dikit na kami. Halos di na kami naghihiwa-hiwalay. One for all, all for one ang motto. I smiled at that thought.

Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon