"First day of school. And this is what a college student looks like...jaraaaannn..." I turn around to make an angle while facing the camera held by the tripod. I am wearing designer white shoes, boyfriend blue jeans, and a denim crop top.
Seven AM pa lang ay ready na ako sa outfit ko kahit na mamayang 8:00 AM pa ang first subject ko sa Communication. First week ng klase, wala pang uniform kaya susulitin ko muna. Ang aga kong nagprepare para makapag-vlog.
"So, here are the "maaral starter pack." Inilabas ko isa-isa ang laman ng aking bag at ipinakita iyon sa harap ng camera, acting like I'm talking personally to my virtual audience.
"A pocketbook for basic grammar para kunwari matalino, notes na dalawa at siyempre ballpen. Limang piraso. Expect your classmates to borrow your things."
Kasi naman kahit nasa private school kami may shortage ng ballpen, papers, correction tape, etc. May pang-milktea at Starbucks pero walang pambili ng ballpen at papel. Sakit ng mga rich kid.
May pang-pamper sa sariling luho pero taghirap sa school supplies. Minsan nga ay may nakawang nagaganap. Yong tipong kalalagay mo lang ng ballpen mo sa mesa, malingat ka lang. Boom, wala na!
Isinilid ko pabalik ang mga iyon sa mini bag. Sunod kong ipinakita ang ilan pang gamit na kailangan like the highlighter, correction tape, index card, at siyempre para magmukhang studious talaga, the nerdy glass. Isinuot ko iyon at nag-post ng ilang beses. Kunwari matalino. Itinuro ko pa yong sentido ko to imply a big brain.
Actually, isinusuot ko lang naman ang glasses ko kapag nagbabasa ako. Anti-radiation lang. May eyes are okay and in good condition. Kaya huwag kang gagamit kung ayos pa naman ang mga mata mo. Or else, you suffer the consequences.
"Of course, I applied a light make-up para fresh and blooming tayong tignan." I pouted my lips and angled my face to show my slight pinkish cheek.
Ipinakita ko ang lip and cheek tint na light pink na ginamit ko. It's Cleo's collection. Of course, may kasama ng advertisement ang vlog ko for today. Tutal my vlogging was Cleofe's idea. Most of my get-ups and looks were sponsored and taught by Cleofe. Constant na ang communication namin. Hindi pa kami ganoong ka-close but I think we're getting there.
I admire her sense of fashion with elegance, the way she carries herself, and the way she exhibits self-esteem in everything. Pakiramdam ko, halos lahat ng kulang sa akin ay nasa kanya. I envy her for that. That's why I am trying to be like her. I am almost imitating her in everything since I've known her. But one thing she told me nang mapuna niyang ginagaya ko siya.
"Do not just imitate. But be the best version of yourself."
"So, ready to go na tayo. Good luck sa mga kagaya kong student. Fighting! And before I forgot, happy 100K followers!" Masigla kong bati.
I made a flying kiss in front bago ako nagpaalam by waving both of my hands in front. I never really thought na papatok ang mga vlogs ko. Two months pa lang ang nakakalipas. Nakakatuwa. Nawiwili tuloy akong mag-vlog na lang. Hindi na nga ako masyadong nakakapagbasa ng wattpad. More on updates na lang ako sa mga social media. Pati sa tiktok ay nawili na ako.
I arrived at the Language Building 15 minutes before our official class hour starts. May time pa akong hanapin kung saan ang room namin. Some of my schoolmates recognized me. But I am not that familiar para maging famous. Kapag narinig nila ang apelyedo ko at malaman na I'm part of the Jacinto Clan, doon pa lang nila napagtatanto kung sino ako.
Maraming students ang galing sa mayayamang pamilya sa school na ito. Some were from different provinces. Of course, nasa BCA pa din ako. Hanggang dito lang naman ang kaya ng brain cells ko. Mabuti na lang at naipasa ko ang entrance exam.
I passed through the hallway. Some just smiled so I smiled back. Hopefully, college life would be different this time. And I am silently wishing for friends, true friends who would really accept me the way I am regardless of family's wealth, physical attributes, and mental capacity.
Nang makarating ako sa L12, nakita ko ang ilang pamilyar na mukha ng ilan sa mga kaklase ko noong senior high nang pumasok ako sa aming classroom. Same block pala ang ilan sa amin. But most of them are new and unfamiliar. Karamihan sa kanila ay babae. Kaunti lang ang lalaki.
Nagwave back ako sa mga kaklase ko noon. Nagdecide akong umupo sa pinakaharapan. Bagong buhay, mga sis. Pakitang gilas tayo. Start good, end good.
I have a goal for my college journey. Hindi ako pwedeng magfail. I must prevail. Maraming nangyari noong bakasyon. Marami din akong realizations. At isa ito sa mga bago kong goal sa buhay. Study now, landi someday. Parang ganoon.
Halos occupied na ang lahat ng upuan sa loob ng silid. While waiting for our instructor, I check some of my notifications on FB.
Ivana Samonte sent you a friend request.
Napataas ang kilay ko upon reading it. Pinag-awayan pa ng angel at devil sa utak ko kung ia-accept ko or decline na lang. We separated ways in a "not so good term" kasi sinisisi niya ako sa nangyaring bukingan sa Moonshine Loft.
That was the last time I've seen her. Mabuti na lang at nakalapit na si Uncle Jess sa pwesto namin bago pa magkaroon ng commotion. The guy's name is Isaiah. Mukhang rich and popular 'yong guy.
Hindi na ulit nagtagpo ang mga landas namin kaya hindi pa kami nakakapag-usap. Kagaya ng wala pa kaming closure ni Sef. Lagi ko pa din siyang naiisip. Ang huling balita ko from his teammates, nag-flight na siya pa-Switzerland. Pero bakit pati social media niya ay deactivated? Iyon ang pinagtatakhan ko.
Ang pinakamasakit sa lahat, he left without saying goodbye. He left me like I'm really nothing to him. Like I never became a part of his life. Like I never made him happy noong kami pa.
Sus! Porket walang northern lights dito sa Pinas, mang-iiwan na siya? Ganon-ganon na lang? Hmp! Gaano ba kalayo ang Switzerland dito? Nasa 13 hours and 48 minutes lang naman. Siyempre naresearch ko na agad.
Gaano ba kamahal ang pamasahe papunta doon? 1,000 US dollar lang naman. Kaya namang pag-ipunan! Siyempre estimated ko na agad. Para makapag-ipon ako. Hindi naman sa susundan ko siya, ha.
Malay natin magawi ako doon. Baka maisipan niyong mamasyal din doon. Eh di alam niyo na. Natulungan ko pa kayo. Saka gusto ko lang ding masilayan ang Northern Lights. Saka pati si Sef, isama na natin. Kaya parang ganoon na nga.
Kaya, Sef... wait for me there... Kung hindi niya ako babalikan, susundan ko siya.
♥
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
ChickLitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...