Kabanata 18

245 108 119
                                    

"Sef..." 


Hinawakan ko at hinila ang dulo ng kanyang shirt. Here we are again, sa mismong hallway kung saan kami nagkaaminan ng feelings two months ago.



"Do you want me to remind you of the promises we made when we both agreed to step up our relationships to more than just friends?" Hamon ko sa kanya nang hindi man lang siya lumingon at nagsalita.



"Stop, Dee. It's time to let go." Sagot niya nang nakatalikod. "Close your eyes and think like we never happen."


Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Mabuti na lang at walang tao sa corridor. 


"Sana ganoon kadali. Mabubura ba no'n lahat ng alaala mo?" Gumaralgal ang tinig ko. My heart aches. Parang may pumipiga kaya nahihirapan akong huminga.


"Maybe we just met. But not meant to stay."


"Sabi mo mahal mo ako. Na hindi mo ako iiwan, 'di ba? Na tayo hanggang dulo. Pashneya, nagsisimula pa lang tayo. Wala pa tayo sa kalahati, tinapos mo na." I don't care kung pati uhog ko tumutulo na din.



Peste! Bakit ang sakit? Hindi naman ako na-inform na may ganito sa pag-ibig!



"I'm sorry, Dee." Suminghot ako. I exhaled deeply and swallowed hard.



"Hanggang dito na lang. So let's end it here." Mahina niyang anas.


Umiling-iling ako. Patuloy sa pagtulo ang luha ko. "Ayoko. I won't let you go." Tanggi ko. 


Hinarap niya ako at pilit na kinalas ang mga daliri kong mahigpit na nakakuyom at nakahawak sa  laylayan ng shirt niya.


"Anong mali? Sabihin  mo sa akin! Itatama ko. Please..." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak.


"Anong nangyari? Bakit ka biglang bumitaw? Okay naman tayo, ah. Bakit ganito?"



Ang sakit talaga. Mas masakit pa noong dinala ako ni Kuya Fritz sa dentist para magpabunot ng ngipin noong 10 years old ako.


He's the only person who showed me love and care. He's the only friend I can lean on. He's the family I wished I had. I never beg for my family's love and affection. Ngayon lang. Because he means a lot to me. He's not just a boyfriend. He's almost my everything.


He gave me hope and joy in the midst of sadness. He gave me home when I feel lonely. He gave me the courage to face my fears. He gave me love when I needed it. He accepted me the way I am.


Mas lalo akong napaiyak nang ibaba niya ang kamay ko. "Tapos na tayo."


"You said... you won't leave. That... you'll stay no matter what. You said... you love me despite my flaws. You said... we'll do things together...that we'll grow old together."


"Then, sue me. I'm the greatest liar you've ever met."


In short, scam. Kumuyom ang mga palad ko. Binayo ko siya sa dibdib, paisa-isa habang nagsasalita. "For making friends with me...."


"For making me fall in love with you..."


Pinalo ko ulit siya sa dibdib, mas malakas sa nauna. "For making me believe your empty promises..."


Huminto ako. "And for falling out of love..." Pinahid  ko ang mga luha  sa pisngi ko at pilit na pinakalma ang sarili.


Suminghot-singhot ako bago muling nagsalita.
"Sa pang-iiwan mo sa akin sa ere. Isa kang malaking paasa..." Hinawakan ko siya sa balikat at malakas na tinuhod sa pagitan ng kanyang mga hita. 


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon