Kabanata 19

250 100 109
                                    

Nakatitig ako sa dalawang pares ng damit na nakalatag sa aking queen-size bed. I am choosing between a milky cotton Korean short sleeve sleepwear or a bodycon black dress.


It's 8:00 in the evening. Halos katatapos lang ng simpleng celebratory party ng graduation ko. Initiated by, of course, my all-time favorite uncle. Siya nga actually ang sumama sa akin paakyat ng stage. My parents attended an important business conference this morning sa Hongkong. Mas importante pa sa akin. Sus! Sanay na ako.


Kaya sa buong duration ng graduation ceremony, I can't find enough reasons to be happy. Dahil una  pa lang, napakalungkot na ng araw  na ito. When my siblings graduated in senior high, my parents are both present. They even throw big parties for them sa mga hotels.


Masisisi  niyo ba  ako kung magcocompare ako? Na mas mahal ng mga magulang ko ang mga kapatid ko. I fell like I'm the unwanted child. Na hindi ako mahalaga. Ni hindi nga yata sila proud sa achievements ko. Hindi man lang nila naalalang i-congratulate ako. 


Sa mga kapatid  ko noon, they got gifts like first car, condo unit, trip to Europe, and so on. Samantalang ako, as in wala. Hindi ko naman kailangan 'yong mga bagay na ganoon. Ayos na ako na kasama silang umakyat sa stage, sabihin lang nilang "you did well" o kaya a simple hug will do. Pero kahit 'yon lang, napakahirap makamit.


Ganoon ba ako ka-unlovable? Why can't they see and appreciate me too? Napakahirap bang gawin iyon? Or I am just that insignificant na kahit mawala ako, they wouldn't mind. What if? Minsan naiisip ko ang mga bagay na ganito.


Bumuntong-hininga ako. Pinili ko ang fitted dress at nagpalit. I wanted to go out and get distracted. Or else, pagtitiisan ko na naman 'yong espiritung nambubulabog sa akin sa kuwarto. 


I don't know where it came from. But I can feel its presence lurking around and waiting for a chance to get near me. And I can sense something bad about it. Iniignore ko na lang. Pero minsan hindi ako nito pinapatulog lalo na kapag naramdaman ko na ang paghiga nito sa kama ko.


Dinig  ko ang mahihinang pagkatok mula sa pintuan nang matapos akong mag-spray ng pabango. 


"Come in." Saad ko habang pumipili ng purse na dadalhin. I choose the glittery silver rectangular-shaped purse.


"You look good." Komento ni Uncle Jess nang makapasok. He's forty-two. Single. Gwapo. He's under the category: hunk. Pero ewan ko kung available. Hindi siya nagdadala ng girlfriend sa mga family gatherings. At wala pa siyang ipinakilala na kahit isa sa amin. 


"And so you are, Uncle." Balik-puri ko. Parang hindi tumatanda. Hindi yata uso ang stress sa kanya despite of the kind and nature of his work.


Let's go, pumpkin?" Tanong niya. Tinanguan ko siya  bago umabrisete sa braso niya. Mas napagkakamalan pa siyang tatay ko kumpara sa totoo kong ama. He attended PTCP meetings for me. Pati sa mga lakad ko, kadalasan siya ang escort ko.


He's my superman. He always saves my day kapag grounded ako. Just like today. He allowed me to party tonight sa isang lounge bar ng kaibigan niya. He's like a father-figure to me. And I am his princess. He calls me pumpkin. Hindi ko alam kong saan niya napulot. 


Simula noong bata pa ako, ganoon  na siya ka-attentive  sa akin. That's why I get whatever favor I ask of him. But there are times when I don't see him and I can't even contact him. Dahil sa trabaho niya. Still, I am grateful na pinaglalaanan niya ako ng panahon.


Gayunpaman, I feel so empty. Laging may kulang. Kahit pa ilang beses  kong sabihing okay lang. I'm not okay. I will never be okay. 


"I know you are sad." Basag ni Uncle Jess sa katahimikan sa loob ng kotse ilang minuto matapos niya itong paandarin. "You can talk to me."


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon