Kabanata 4

383 150 164
                                    

It was just a peck in the lips. Yet it felt soft, warm and gentle.


Wala pa yatang 5 seconds. I am not sure. Because the moment his lips touched mine, I lost awareness of the things around us. Pakiramdam ko ay huminto ang oras at kami lang ni Sef ang nag-eexist.


Ganoon pala iyon. Ang sarap sa feels. Gusto ko sanang humirit ng "more". Kaso tinablan  ako ng hiya. Paano  ko naman sasabihin iyon nang hindi nagtutunog sabik? Ano 'yon? Tigang lang?


Heat spread on my face especially when his eyes met my eyes. Siyempre, nakipagtitigan ako. Halo-halong emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya.


Amusement. Longing. And sadness? Does he regret breaking up with me? Did  he changed his mind? Babalikan na ba niya ako?


Baka naman fake news 'to. Nag-aassume lang ako at pinapaniwala ko ang sarili ko sa gustong paniwalaan  ng puso ko. Isa pa, hindi naman siya 'yong tipong nadadaan lang sa isang simpleng halik. Hindi siya ganoon kababaw.


So, is this his confirmation that he's straight? Or, mahal pa niya ako?


After our staring contest that seems like forever, his face lean closer. Akala ko ay hahalikan niya ulit ako, kaya pumikit ako nang mariin, anticipating his kiss. 


But I only heard him chuckled, making me open my eyes. 


"Ang lakas ng loob mong maghamon ng halikan, hindi ka naman marunong. Para kang tuod na nanigas diyan." Anas niya sa mababang tinig. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang himig-panunukso.


Napalabi ako at mahinang tinampal siya sa dibdib. "Wala namang first time na magaling agad." Rason ko. 



He's making fun of me, I know. Kanina nagsusungit, ngayon naman ay tila binibiro na ako. Bipolar ba siya?


"Maghintay ka at magpapraktis muna ako. Ako mismo ang hahalik sa'yo 'pag magaling na ako."


He smirks at me. "At kanino ka magprapraktis?"


"Duh! Youtube tutorial!" I exclaimed. Pero, meron bang gano'n doon? Napatanong ako sa sariling isip. I'll check it the moment na makauwi ako sa bahay.


Nakakahiya  naman kung itatanong ko sa ibang tao. At mas nakakahiya if I ask someone to teach me how to do it properly, right?


Youtube muna. Tutal doon naman ako nag-aaral mag-make up at manamit. Siguro naman, may tutorial ng ganoon.


Tinawanan ako ni Sef sa sagot ko. "Silly." Akma kong susuntukin sana muli ang dibdib niya nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.


"Close your eyes."


Ahy shems! Magpapraktis na ba kami? Agad?


"Will you kiss me again? Are you going to train me?" Natataranta kong tanong. Bumibilis ang kabog ng puso ko. 'Yong Sef na masungit, madali lang i-handle pero 'yong Sef na malandi, nakakapanghina ng tuhod. 


Shemay! May sakit na yata ako.
A disease characterized by being easily swayed. 'Yong galit ka kanina, pinaghihinalaan mo pa ng kung ano-ano, tapos desidido  ka nang lumimot. Tapos sa isang titig lang, isang ngiti, isang hawak at isang halik, wala na. Lumipad  na ang lahat  ng rason mo para lumimot.


Ang sakit ng mga kabataang umiibig na tulad ko.
Marupokism.
Kaka-remind  ko pa naman kanina  sa sarili ko na huwag marupok, eh. Hayst.


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon