Kapag nakaipon na ako, pupunta ako do'n. Promise 'yan. Ang layo ng narating ng isip ko. Ang concern ko lang kanina ay iyong tungkol sa FR ni Ivana.
Napabuntong-hininga ako at napilitang tinanggap iyon. Baka kasi nakikipagkaibigan. Sino ako para tumanggi, di ba?
Wala pang isang minuto ay may isinend siya sa akin na video. May nakalagay doon na mga salitang "thank you". Wala pa ang instructor namin kaya pinindot ko iyon.
"Ahhhhh....ahhhhh...ohhhh."
"Ay sh**!" Napamura ako nang wala sa oras at napatalon. Nagulantang ako. Bakit may mahalay na tunog!?
Di ako magkandaugaga sa paghahawak ng cellphone at kung paano iyon papatayin. Halos mahulog ko pa iyon. Pero dahil natataranta ay hindi ko agad napindot ang stop button ng video.
Legit 'yong kaba kapag bigla mong na-play yong video at biglang may umungol.
Shemay! Pigilan niyo ako, makakapatay ako ng tao. Nagtatawanan tuloy ang mga kaklase ko sa narinig nila.
Shemz! Ivana, I will kill that girl!
Narinig ko ang matinis na pagtawa ng isang babae sa likuran ng classroom kaya ako napalingon sa direksiyong iyon."Consider it as my greetings." Komento ni Ivana na ngiting-ngiti habang nakaupo sa arm chair.
She's wearing a maong skirt na ripped style ang dulo and a halter crop top na kasingpula ng labi niya. And what? We're classmates?
Speaking of the devil! Gumaganti siya, I know. Napahiya kaya ako sa buong klase. Pero bago pa ako makapagsalita at masugod siya, pumasok na ang instructor namin kaya nagsiupo na kami at biglang tumahimik. I can feel my classmates' stares on my back.
Ivana seems trouble. Hindi ko iniisip kung paano siya gagantihan. Mas concern ako kung paano siya iiwasan. Paano kung worst pa doon ang gawin ng babaeng ito. Iniimagine ko pa lang, nagngangalit na ako sa kahihinatnan. I need a clean record for my degree, and to graduate with flying colors for my father's approval to work in the agency.
Kaya iwas tayo sa mga taong ipapahamak tayo. Kaya mantra, mantra, mantras for Ivana. Hayan, inorasyunan ko na. Ewan ko na lang kung hindi pa umubra. Kapag hindi, ipapatawas ko na ang bruha.
Kapag hindi pa rin tumalab, I might ask Uncle Jess' connection to find out Ivana's mystery guy. Yong lalaking nasa bar, si Isaiah.
"To fight an enemy, look for an ally." Isinulat ko iyon sa note ko habang kunwari ay nakikinig sa instructor naming nagpakilala bilang si Mrs. Alavazo.
Gusto kong palakpakan ang sarili. Feeling ko ang brainy ko na. Iyan siguro ang isa sa mga natutuhan ko kay Cleofe. To think before I act.
I concentrated on listening to our instructor. She announced our schedule for the day. Wala pa namang formal class in the first week. Today, we will attend our General Students' Orientation around 9:00 in the morning for the freshmen. That includes joining and signing up for our chosen organization.
Maghapon iyon. Kasi pagkatapos ng orientation, may election at meeting na agad para sa sasalihang org. Each club or organization must submit a pre-draft proposal na magiging goal and projects na ipu-push through once approved by the RA or Royal Audiencia. Ang Royal Audiencia ay katumbas ng Supreme Government sa ibang school.
At dahil sila ang deciding body, pahirapan ang mapabilang sa council nito na binubuo ng limang miyembro na tinatawag ng ibang students na Big 5.
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
Romanzi rosa / ChickLitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...