(Two months ago)
Nasa isang corner kami ni Sef malapit sa divan at bulletin board sa loob ng classroom. Nakasalampak kami sa tiled floor.Tahimik siyang nagproproofread ng research paper namin.
Samantalang ako ay nakasandal sa likod niya at nagbabasa ng wattpad, 'yong story ni Jonaxx, Costa Leona Series.
Shemz! Kinikilig ako. Ang galing talaga ng author. Napakahusay ng pagkakalahad ng bawat tagpo. Sana all may one great true love.
"Pahingi naman ng isang Mercadejas, oh. O kaya kahit Riego na lang." Bulong ko na narinig pala ni Sef kasi nagreact siya.
"They are just fictions. Walang ganyang ka-perfect na lalaki sa totoong buhay." Kontra niya.
"Here we go again sa real talk ni Kuya Sef." I teased him.
"Ate, ahead ka sa akin ng 3 months."
"Para 'yon lang."
"Still-"
"Oo na." Napipilitan kong pagsang-ayon. "Nakaka-inlove lang kasi. Ideal guy, alam mo 'yon?"
"Ideal but not realistic." Kontra niya ulit.
"Bakit ikaw, kapag nagmahal ka ba you won't give your all? That includes sacrificing yourself para-"
"It depends on the situation. Case to case basis..."
Heto na naman siya sa mga unsolicited lessons niya pagdating sa pag-ibig."And lastly, malaking factor ang outside force sa decision at choices ng dalawang taong nagmamahalan."
Lumayo ako sa likod niya at pumihit paharap sa kanya. "Sigurado ka bang hindi ka pa nagka-GF?" Dudang tanong ko.
"Are you hiding something?" Pinaningkitan ko pa siya ng mga mata.
Inilapag din niya ang hawak na coupon at hinarap ako. Mataman niya akong tinignan.
"Do you think I can still date someone kung lagi kang nakadikit at nakabuntot sa akin?"
"Ah, so kasalanan ko na wala kang jowa?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Tapos, ang clingy mo pa." Reklamo niya.
Napalabi ako. "So, ayaw mo ng clingy?"
"Clingy. Touchy. PDA. And the likes."
Magsasalita sana ako nang sitahin niya ang paraan ng pagkakaupo ko.
"Isarado mo nga 'yan. Nakalimutan mo na namang isa kang babae na nasa katawan ng isang lalaki- Aw!" Napaaray siya nang ihampas ko sa kanya ang nahablot kong bag na nasa sahig.
Pinagdikit ko ang mga legs ko at pa-demure na umupo na parang isang dalagang Pilipina.
"Babae naman ako, ah. Mata mo lang talaga ang may diperensiya."
"Sa'n banda?" He acts like he's taking a peek at my imaginary boobs. "Wala naman."
"Ang sama mo!" Kinatok ko ang ulo niya. Pagkatapos ay sinabunutan pa siya .
Bakit ba kasi flat chested ako? Madalas niya tuloy akong tuksuhin at laitin. Nakakainis!
"Aray! Awat na. Sorry na." Pagmamakaawa niya sa akin. Halos mamula na ang mukha niya kaya tinantanan ko na.
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
Chick-LitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...