Katatapos lang ng initial practice namin for the Graduation Song. A week from now, ga-graduate na kami. Medyo nabawasan ang excitement ko. It wasn't the way I plan and imagine it to be.
Galing ako sa food court ng BCA at pabalik na sa aming classroom. I passed through the hallway. Natigilan ako nang makakasalubong ko si Sef- na may kasamang isang magandang babae.
The girl was wearing a sleeveless crop top paired with Korean-style black shorts. Kita ang maliit niyang baywang at pusod. She's even wearing bright red lipstick. Bob cut ang style ng buhok making her look flirtatious.
Pwede ba ang ganyang dress code sa loob ng campus? Ang alam ko ay hindi. Tapos, pinapasok ng guard? Walang'yang security guard. Bias!
Okay. She's pretty and sexy. Halata naman sa pagsunod ng tingin sa kanya ng mga kalalakihan sa buong campus.
In short, she's someone I am not.
Curvy. Voluptuous. May boobs. May butt.
At hindi ako natutuwa."Bago?"
"Oo yata."
"Baka gf niya from another school."
"Kaya siguro hiniwalayan si Dionne."
Dinig ko ang bulung-bulungan ng mga mahaderang students na nasa lobby at hallway. Nakakasira ng mood.
Nagkwekwentuhan sila about something. May pahawak-hawak pa si ate girl sa braso ni Sef!
Kaya nang makita kong dadaan sila sa direksiyon ko, sinadya kong huwag tumabi. Natabig si ate girl at parang na-out of balance. At maarteng umaray. Boses pa lang ay tunog-malandi na. Ang sarap sabunutan. Kumukulo ang dugo ko sa kanya sa maraming dahilan.
Ang lamya. Ang arte. Ang-
Pero sa halip na matuwa, mas lalo pa akong nainis nang makitang inalalayan siya ng magaling kong ex-boyfriend. Three weeks pa lang, may kasama na siyang iba! Nasaan naman 'yong three month rule?
May pa-"you're enough" pa siyang nalalaman noon. Eh, ano 'to?
Bwiset! Pagbuhulin ko silang dalawa, eh. I rolled my eyes at nagpatuloy sa paglalakad.
Pero napahinto at napalingon ako nang hawakan ako sa braso ni ate girl na naka-light make up din pala sa malapitan. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mag-sorry ka." Utos niya sa akin.
Aba! Attitude ka, girl? Shemay! Hindi kita mapalagan, makakarating 'to sa magulang ko. Tapos, malalaman nila ang rason ay dahil sa lalaki?
Pinigil ko ang sarili. Pero kasi nakakainis yong pagkakaperfect ng shape ng kilay niya! Sana all. Pati 'yong bow-shape lips niya, ang perfect. Bakit ganoon? Nakakainis! Bakit ako, hindi ganyan? Ang unfair!
"I hate that word." Saad ko at tinignan nang masama si Sef na papalapit na sa amin.
Oo na. Mas matangkad siya nang kaunti sa akin. Mas maganda. May curves, my boobs, may magandang legs. Hindi sobrang puti pero ang kinis. Perfect package. Yong girlfriend material na ipapangalandakan sa madla.
Putek! Kinakain ako ng insecurity ko.
"Nagharap ang past at present." Bulungan ng mga tao sa paligid namin.
"Mag-sorry ka." Ulit niya. Nakalapit na si Sef sa amin at tila gustong umawat sa amin. Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
ChickLitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...