"Sef... iniiwasan mo ba ako?"
Binilisan ko ang paglalakad para makasabay sa kanya. He has long legs. Kaya hirap akong sumabay sa kanya. Lalo na at mukhang ayaw niya akong kausapin.
Bakit ko hinahabol?
Siyempre, mahal ko eh. Gusto ng puso, isip at kaluluwa ko.
"Obviously." Simple niyang saad nang hindi humihinto sa paglalakad.
"Bakit?" Naiiyak kong tanong. Okay pa kami last week. Pero nang hindi siya nagparamdam ng dalawang linggo, alam ko nang may mali.
Magwa-one month pa lang kami, ah. Two days pa bago 'yong monthsary namin.
He's my first boyfriend. At dahil advance ako mag-isip, inakala kong siya na ang huli. Kasi, what's the point of entering this relationship kung di pa pala ako sigurado sa kanya? Hindi naman ito trial and error. I even promised myself na ang first boyfriend ko ang siyang pakakasalan ko.
Sa buong male population ng BCA, siya lang naman ang nagkagusto sa akin. We've known each other for almost 2 years now.
Hindi ko naman naisip na may salita pa lang "break up". Lintek! Sino ba kasing nagpauso ng salitang 'yan?
I believed he'll be my last. Di ko naman akalain that our relationship won't last. Hayst!
Tumigil siya at hinarap ako. Parang may nagbago sa kanya. His black coal eyes were cold. Wala akong mabasang emotions. My Sef was gentle and caring. Not like this. What's wrong?
"We're done. It's over." Saad niya na nagpahinto ng mundo ko. My heartbeat stopped for a second. Then, the pain came and questions flooded my mind.
"Bakit? Ganoon na lang 'yon? Hindi ka lang nagparamdam ng dalawang linggo, tapos na tayo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Yeah." He said dismissively. Tinalikuran niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad.
Hinabol ko siya at hinila ang dulo ng T-shirt niya, making him stop from walking. Then I hugged him from behind, burying my face on his back. I stifled my cry but my voice cracked.
"Sabi mo 'pag masyado nang masakit, yakapin lang kita. Can you feel how hurt am I? Sabi mo mahal mo ako. At di mo ako sasaktan. Bakit nang-iiwan ka sa ere?" I sobbed.
Pinilit niyang alisin ang mga kamay kong nakapulupot sa baywang niya.
"That was before." Hinarap niya ako. "Feelings changed." Saad niya na parang hindi affected sa pag-iyak ko. The Sef I know will hush me and even wipe my tears. Anong nangyari?
"May iba ba?" Mahinahon kong tanong. Iniangat ko ang mukha kong tigmak ng luha. I looked at him in the eyes but I can't see anything aside from the fact that his aura changed too. He looks serious, stoic, and emotionless. Parang iba sa nakilala kong Sef.
"Walang iba. Pero hindi na ikaw."
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Ganoon kabilis? I thought he genuinely cares for me. He told me he loves me. Lahat iyon, kasinungalingan lang ba? Lahat ng ipinakita at ipinaramdam niya, hindi ba totoo? Umiling ako.
"Paano 'yong mga pangako mo? Pano 'yong-"
"Forget it."
Ang daling sabihin pero ang hirap gawin! Pinag-isipan niya ba?
Aware ako na pinagtitinginan na kami ng ibang estudyanteng naroon. We're actually in the open field. Doon niya ako hinila kanina nang hinawakan niya ako sa braso. Malayo sa marami pero may ilang nakatambay sa paligid, nakaupo sa mga concrete benches at kahit hindi nila ipahalata, alam kong nakikinig sila. Pero wala akong pakialam.
"Bakit ang dali para sa'yo na sabihin 'yan?"
"I'm sorry." Saad niya bago itinuon ang mga mata sa ibang direksiyon. Why can't he look at me straight in the eyes? At saka-
Hah! Pagkatapos niya akong pakiligin. Pagkatapos ko siyang sagutin. Ganyan ang sasabihin niya?! Ang unfair naman!
"Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin? You want out?" Sumbat ko sa kanya.
"I said, I'm sorry." Paghingi niya ng tawad sa ikalawang pagkakataon sa mas mababang tinig.
Ganoon lang? Sorry? Kung nadadaan lahat ng bagay sa sorry, eh di may lisensya na ang lahat na gumawa ng mali at manakit ng iba! Bwiset na sorry 'yan! Sino bang nag-imbento ng salitang 'yan? Ipapa-hunting ko kay Uncle Jess. Sorry na lang siya!
Pinigil ko ang mas lalong mapaiyak kahit na ang sakit-sakit at ang hirap-hirap sa loob.
Umasa ako. Naniwala ako. Nag-expect ako. Nagmahal ako. Tapos, "sorry" lang in the end. Sorry? Kaya bang tapalan niyan at idikit 'yong basag kong puso? Humugot ako nang malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Sorry? Ganoon kadali?"
Hindi siya umimik. Kinalma ko ang sarili ko habang nakapikit. I counted up to 10. Hindi ako ang tipong nagiging bayolente kapag nasasaktan. Hindi ako nagwawala at nananakit. But I cry a lot.
Kaiwan-iwan ba ako? Kapalit-palit?
Siguro, sagot ng isang bahagi ng isip ko.
"Then, work hard for it." Saad ko. Hindi ko naman siya kayang pigilan kung gusto niyang umalis. Baka nga hindi ako enough para manatili siya. Just like how my family makes me feel. Never enough. Never. Never.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong niya. Pinunas ko ang mga luha ko at unti-unting pinakalma ang sarili.
"Hindi mo ako pwedeng iwan hangga't mahal pa kita."
"What? Why would I do that?"
"When we agreed to enter this relationship, it's a mutual understanding." Dinuro ko siya sa dibdib. "Now that you're breaking up with me, it should be mutual as well."
Di ba? Hah! Anong akala niya? Hindi pwedeng ganoon na lang! Lalaban ako. I already have a plan on my mind.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong pa rin niya na tila hindi maunawaan ang nais kong mangyari.
"You made me fall in love with you. Make me fall out of love. Then, we're done."
Sana all hindi nang-iiwan. Tipong kaya kang ipaglaban. Na kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon, mas pipiliin niyang manatili sa tabi mo sa lahat ng pagkakataon.
♥
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
Chick-LitMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...