Kabanata 27

225 84 108
                                    

Nakaupo ako sa Foodcourt ng BCA. Waiting.

Brethren Christian Academy is the most prestigious private school in the city. Dito na ako nag-aral since pre-school. At dito na din ako magtatapos ng kurso. I'm in my third year of college already.


I'm taking up BSBA. I wanted to prove my worth to my family. Na may silbi ako. Na kaya ko din gaya ng mga kapatid at pinsan ko. Hindi ko alam kung ito ba talaga ang linyang para sa akin. But for now, I have to excel in this field so I'll be able to please my father.


Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi ko nga namalayan, tatlong taon na pala. Tatlong taon na single at walang jowa simula nang ako'y iniwan. Sana all bumabalik. Pero alam ko naman na kahit anong sana all ko, hinding hindi na siya babalik.


Kaya nga kahit mahirap, kahit nakakalungkot, I chose to divert all my frustrations and attention to my studies and friends.

Yeah. I've got real and trusted friends this time. Walang plastik. Walang ahas. Weird nga lang. May sapi minsan. Madalas may sariling mundo.


Alas-dose na pero wala pa din ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay nahirapan sila sa mga exams nila. Usually, ako 'yong nahuhuli eh. Simula pa noong first year kami. But today is different. 

Maya-maya pa ay namataan ko na ang paglabas ni Cleofe kasama si Ivana sa College of Arts Building. Nagshift ng course si Ivana. Hindi daw niya keri ang Economics. Susme!


Buset! Nang-iwan siya sa ere. Panay landi kasi ang alam. Momol sa tabi-tabi. Yong tipong nagkakasiyahan sa kwentuhan tapos magCCR kunwari, pagbalik gusot na ang uniform. Tsk!


Hayun, pagdating ng second year, nagshift ng kurso ang bruha. Akala mo naman artistic, eh arts of seduction lang naman ang alam.

Kita ko na din ang pagkaway ni Shaza na may nginangatngat at tangay-tangay na malaking supot ng junkfood na naman. As always, walang bago. Si Jem naman ay walang kangiti-ngiting naglalakad, parang may kaaway kung magsalubong ang mga kilay. 

Nakilala ko lang sila noong general assembly at students' orientation. Nagkataong naiwan kaming lima dahil wala kaming mapili at masalihang organizations. Or rather, ayaw naming salihan ang mga existing org sa school.


So, we decided to make our own org which Cleofe named SPA. It means Special Abilities. Sa BCA, hindi pwedeng wala kang org. It is a must. Pero may freedom naman kami to suggest and make a new org. Mayroon kasi kaming weird things in common. 

Shaza is a clairvoyant. Nangyayari yong mga visions na nakikita niya. Ang astig, di ba? Sana all nakikita ang future. Para makita ko din ang future ko. Para malaman ko kung may future ba talaga ako? Kung magiging proud ba someday and parents at family ko sa achievements ko? 


At kung magkakabalikan pa ba kami ni ex? Para naman alam ko kung maghihintay pa ba ako sa pagbabalik niya, susundan siya sa ibang bansa, aasa pa ba ako o magmomove on na? Hays. Ang hirap maiwan.

Anyway, kahit mataba si Shaza at masiba kumain, she's cool to be with kaya nakasundo ko agad. She's like the sister I never had. Ang dali niyang suhulan at pakiusapan. She's like a kid. Mabilis magtampo  pero madaling lambingin. Pagkain lang ang katapat.

Jem is the quiet type. She thinks more than she talks. Tatahi-tahimik yan, pero huwag ka. She's thinking over something. And when she talks, huwag kang titingin sa mata niya, she can do something you least expected. Scammer 'yan, eh.


Worst, she can make you do things, like giving her your food, your money, etc. Ang galing!  I don't know how it works. Wala akong balak alamin at matutuhan kung paano niya nagagawa iyon. Pero sana all, matalino gaya niya. Mani lang ang Algebra at Calculus sa kanya. 

Tumingin ako kay Ivana. Sus! Isa lang ang naiisip ko kapag nakikita ko siya. Mga kalandian niya sa buhay. Mga kabalbalan ng bunganga niya. Mga life goals niyang magjowa ng marami, magpalit ng boyfriend kada linggo at magpaiyak ng mga lalaki. Hindi iyan ang special ability niya.


That's her forte and hobby. Collect and select and motto niya sa buhay. Magaling magpaikot. Magaling mang-seduce. She's the exact term for a gentleman's choice. Pinipilahan. Eh, hindi naman cashier.


Sana all. Habulin. At sana all laging pinipili. Hindi yong gagawin ka lang option o panakip-butas. Hindi 'yong saka ka lang pipiliin kapag no choice na. At mas lalong hindi yong pinili ka nga pero hanggang sa umpisa lang.


As for Cleofe, para siyang buhay na manika. She's "beauty and brains". Madaming admirers pero pihikan. Choosy. Taas ng standards mga 'te. Grabe! Kung gaano kataas ang mga heels na suot niya, mas mataas pa doon ang pride na mayroon siya. But that's not her special ability. There's more to her than meets the eye.

They are my friends I treasured so much. Kahit magkakaiba kami, we clicked. Hindi ko alam kung bakit. But maybe our soul and spirits are somehow connected.   

Ako naman, I don't know if this makes me special. Sa totoo lang, kung papipiliin ako, ayoko ng ganitong abilidad. Kaya hindi ko ginagamit. I pretend like I don't see anything before. Till Sef taught me to be brave enough to face my fears. Walang ibang nakakaalam maliban sa kanya. I never told anyone.

But my friends knew me better. Alam nila. Alam nilang nakakakita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. Mga bagay na nag-eexist pero hindi visible sa mata nila.

Things that can only be seen if your third eye is open.

Right. I can see ghost. I can see spirits. Be it territorial or evil. I can see if a black shadow is following you around or a small black ugly ape-look alike shadow is bound on you, sitting on your shoulder or beside you, walking or sitting.

I don't know why and how. It all started when I was still a kid. And I thought they really exist like humans. Not until one of my cousins told me, I am talking to no one in particular. That I have imaginary friends around me. I was only seven then. 


So, my parents took me to a psychologist. Nawala naman pero bumalik nong maghigh school ako. Simula noong ma-realize at makita ko ang pagkakaiba ng trato ng mga magulang ko sa akin at sa mga kapatid ko. Depression sucks.


Wala akong balak alamin at  pakinabangan ang abilidad na ito. Sa dami naman ng skill, ito pa talaga? Seryoso? Anong balak ng tadhana sa akin? Maging espiritista someday? Spirit caster? Ghostbuster? Ghost fighter? What?


Magwewelding na lang ako gaya ng sinabi ng mga pinsan at kapatid  ko noong bumagsak ako sa result ng NCAE ko o kaya ay magtatabas ng mga bato. Kaysa naman sa makisalamuha sa mga elementong di nakikita sa physical realm.


Jusko, tatakasan yata ako ng katinuan!


Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon